Monday , December 23 2024

Lifestyle check sa gov’t officials huwag gawing lip service totohanin ‘yan!

00 Bulabugin JSY

BIGLANG nabantilawan si Senator Denggoy este Jinggoy “Sexy” Estrada nang hamunin ni Technology Research Center (TRC) director general Dennis Cunanan na magpa-lifestyle check ang mga sangkot sa pork barrel scam at ang iba pang government officials.

Talaga raw namang parang binuhusan ng malamig na tubig ang hitsura ni Senator Denggoy este Jinggoy.

Sa totoo lang, matagal na po natin hinahamon ‘yang government officials natin na sumalang sa lifestyle check, lalo na po ‘yung mga magreretiro na sa serbisyo. Pati pulisya at AFP ay isama na rin.

Sa karanasan natin sa mga nakaraang eskandalo ng katiwalian sa gobyerno, hindi sapat ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na isinusumite ng government officials bilang batayan na ‘malinis’ silang naglingkod sa mamamayan at sa pamahalaan.

Iminumungkhai natin na lumikha ng isang sistema ang pamahalaan para magkaroon ng isang sistematikong lifestyle check lalo na sa mga magreretirong government officials.

Katulad n’yan, malapit nang matapos ang termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ng kanyang mga co-terminus, hindi ba dapat isalang sila sa lifestyle check para malaman ng tao kung sila ba’y naglingkod sa ‘tuwid na daan’ o ‘tuwid sa bulsa.’

‘Yung mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na magreretiro na gaya nina Chairman Sixto Brillantes at Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph, dapat isalang din sila sa lifestyle check lalo na’t maraming ‘tsismis’ na lumalabas tungkol sa 3-M Division ng Comelec.

Isa pa, pabor din ‘yan sa kanila. Kaysa naman kung kailan akala nila ‘e pakuya-kuyakoy na lang sila ‘e bigla silang makatatanggap ng subpoena o kaya ay magigising  sila isang umaga na kaladkad na ang pangalan nila sa media dahil sa isang sumambulat na eskandalo.

Dapat one year before their retirement ‘e i-subject na sila for lifestyle check.

O sinong pabor d’yan, mga suki.

GENERAL KOLEK-TONG BA NG PNP SI BEBET-LOG AGUAS?!

MASYADONG maingay ang dating lalo ngayon ng isang BEBETLOG AGUAS.

Para siyang ILOG na MABABAW na napakaingay ng agos.

Ipanamamarali kasi nitong si Aguas na siya raw ang kolek-TONG ng PNP-NCRPO at PNP-CIDG.

Kaya mahigpit daw ang utos ni Aguas na siya ang masusunod kung kailan pwedeng magpalabas ng ‘all the way’ sa mga KTV/Club at kung kailan hindi pwede.

Ganoon din sa iba pang mga ilegalista at 1602 operators. Ang gusto niya ay tila tsati ng turumpo na kontrolado nila ang ikot ng mga ilegalista.

Aba, CIDG chief, C/Supt. Benjamin Magalong Sir, talaga bang binigyan mo ng lisensiya ‘yang si Aguas para ipangolekta ka?!

Ganoon din ba sa inyo NCRPO chief, C/Supt. Carmelo Valmoria?!

‘E kung totoo palang mayroong basbas sa inyo si Aguas, aba hindi nakapagtataka kung bakit ganyan kalakas ang loob niyang mangolek-TONG.

‘Di ba, DILG Secretary Mar Roxas?!

MPD OIC DISTRICT DIRECTOR C/SUPT. ROLANDO ASUNCION NAGPASIKLAB AGAD

AGAD binulaga ni Manila Police District (MPD) OIC district director C/Supt. Rolando Asuncion ang Maynila sa kanyang pagdating.

E kung ganoon naman pala na gustong magpasiklab ni MPD OIC DD Asunsion ‘e dapat ang unang pinuruhan niya ang mga SCALAWAG na lespu na pakalat-kalat d’yan sa kanyang area of responsibility (AOR).

Gaya na lang ng isang TATA BONG KRUS na nagpapakilalang kolek-TONG COP.

Nagtataka tayo kay Tata Bong Krus na sa NCRPO na ang deployment ‘e d’yan pa rin nagbababad sa Maynila.

‘Yan kayang si Tata Bong Krus ang una mong i-check Gen. Rolando Asuncion?!

Isunod mo na rin ang ‘HARI NG BOOKIES’ na si TATA PAKNOY, isang pulis na walang ginawa kundi i-monitor ang mga hawak niyang bookies.

Suhestiyon lang Gen. Asuncion, unahin mo sila kung ayaw mong isang umaga ‘e magising kang puro bukol ang iyong ulo.

Aray ko!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *