Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lamang,‘di pa man naipalalabas, hinahangaan na! (Dahil sa pawang mga sikat at malalaking artista)

ni  Reggee Bonoan

SA kabilang banda, dahil din sa social media ay nakita ng taga-ibang bansa ang mga ipinost na litrato ng mga katoto sa ginanap na presscon ng Ikaw Lamang na pawang sikat ang cast.

Bukod kina Kim at Coco, kasama rin sina Jake Cuenca, Julia Montes, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Daria Ramirez, John Estrada, Mery Soriano, Spanky Manikan, Lester Llansang, Angel Aquino, Cherie Gil, at Tirso Cruz III at mga bagets na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles, at Xyriel Manabat.

“Ang daming artista, lahat sikat. Iba talaga ang ABS-CBN kapag gumawa ng soap drama, pinagsasama-sama ang mga sikat.”

Marami kasing artista ang Star Magic kaya’t kailangang bigyan lahat sila ng trabaho lalo na kung magagaling umarte.

Ang dalawang direktor na may hawak ng record kung bakit nag-number one ang Juan de la Cruz na halos isang taong umere ang siyang direktor ng Ikaw Lamang na sina Malu Sevilla at Avel Sunpongco na bagong obra ng Dreamscape Entertainment.

Bago umere ang Ikaw Lamang sa Marso 10, Lunes ay magkakaroon muna ng celebrity screening sa Trinoma, Cinema 7 sa Linggo, Marso 9 kasama ang buong cast.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …