Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Deniece, ‘di raw kamag-anak ni Tita Mel

ni  Nene Riego

SPEAKING of  Deniece Cornejo, ipinaliwanag (on the air) ni Tita Mel Tiangco na hindi nila kamag-anak ang woman who cried rape.

Kasal ang host ng Magpakailanman sa isang Cornejo at ang apelyidong ito ang dala ng kanyang mga anak.

“’Di kami related. ‘Di sila related ng mga anak ko,” paglilinaw ni Tita Mel.

Ryzza Mae, kinagigiliwan ng lahat

ANG pagiging candid ni Ryzza Mae Dizon ang gustong-gusto ng mga manonood ng kanyang The Ryzza Mae Show every morning bago ang Eat Bulaga.

Maraming guest sa show ang madalas magulat sa Aling Maliit na ito.  Impromptu o hindi scripted ang mga diyalogo ng bata na ngayo’y kilala bilang “youngest TV talk show host” sa bansa.

Nakatutuwa rin ang child wonder kapag kinikilig tuwing itutukso kay Bimby. Ibang klase rin ang talino niya kapag ang kahuntahan ng joke ay sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Jimmy Santos na tatay din niya sa Vampire Ang Daddy Ko.

Ogie, magpa-pastor na

ISANG kaibigan ang nagbida sa ’min na tila masyadong kapit na kapit sa Victory Christian Church si Ogie Alcasid. Naisip daw tuloy ng aming informant na baka isang araw ay maging pastor na si Da Pogi.

Sa ngayo’y nasa sitcom na Confessions of a Torpe si Ogie kasama nina Gellie de Belen, Alice Dixson, Bayani Agbayani, at Jojo Alejar.

Nakaupo rin siya as an executive sa Kapatid Network.

Dati’y sa Victory sa The Fort uma-attend ng service sina Ogie at Regine (Velasquez). Ngayon, according to our source, ang couple ay sa Victory UP Diliman na raw nakikita.

Ara, ‘di suwerte sa pag-ibig

TILA unlucky in love si Ara Mina. For a time ay inakala ng mga kakilala niya na altar-bound na sila ng dyowa na mula sa angkan ng mga popular sa publishing business.

Ang bagong gf daw ngayon ng ex  ni Ara ay isang dating miyembro ng Viva Hot Babes.

Tila mas masuwerte sa pag-ibig ang younger sister ni Ara na si Cristine Reyes. We heard na nagkabalikan ang seksing aktres at ang hunk na si Rayver Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …