Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy2, magpo-prodyus muli ng pelikula

ni  Nene Riego

MARAMING beses mula nang dumating si Boy2 Quizon mula Hong Kong ay tumanggi siyang painterbyu sa mga TV and print reporters tungkol sa umano’y engkuwentro nila ni Cedric Lee sa isang bar sa Makati City three weeks ago.

“Kung anuman ang nangyari’y kalimutan na lang. Walang pisikal na away.  Kaunting sagutan na medyo napalakas ang aming mga boses.  Cooler heads intervened. Tapos na ‘yon. ‘Di na dapat pang pahabain,” sabi ni Boy2 na nagsabing naroon siya sa bar dahil dumalo sa birthday party ng isang kaibigan.

Tinawagan daw siya ni Vhong Navarro (na umano’y sinaktan ni Cedric at ilang kasama sa condo unit ni Deniece Cornejo).  Nagpasalamat si Vhong sa kanya nang mabalitaan ang nangyari.

“Wala nga akong nasabi  kay Vhong tungkol sa nangyari. Basta sabi ko, sana’y maipanalo niya ang mga kasong isinampa niya. Ganoon lang,” sabi pa ni Dos.

Samantala, matapos magwagi ng Best Picture sa MMFF 2014 ang pelikulang 10,000 Hours ng N2 Films na kasosyo siya’y naghahanda na sila ng bagong project. ‘Di niya sinabi kung si Robin Padilla na nagwagi namang Best Actor pa rin ang bida mula rito or kung si Bb. Joyce Bernal ang magdidirehe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …