Monday , December 23 2024

Bohol rep. Relampagos, ‘di dapat naging mambabatas (Sen. Bong Revilla ayaw ma-lifestyle check)

 

ni  Art T. Tapalla

ANO kaya ang palagay ni Bohol Rep. Rene Relampagos, sa kanyang pagiging kinatawan ng kanyang nasasakupang distrito sa Bohol, uupo lang siya sa swivel chair sa loob ng kanyang malamig na  tanggapan sa Batasan Pambansa at gagawin niya ang kahit anong maisipang panukalang batas, na wala man lang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mamamayan na dapat niyang paglingkuran?

Hindi sa minimenos natin ang kanyang panukalang batas na gawing pambansang tsinelas ang bakya, at gawing pambansang pagkain ang adobo!?

Susmaryosep naman! Ito ba ang aming mapapala sa pagkakamal niyo (lahat ng mambabatas sa Kongreso) ng PDAF na P90 milyones kada taon gayong maraming mga kababayan natin sa Bohol ang naghihirap lalo’t katatapos lang ng mapaminsalang lindol noong 2013?

Masyado bang mahigpit ang pangangailangan na maisabatas na gawing pambansang simbolo  ang bakya at ang adobo? Naman!

Kamangmangan  at ka-istupiduhan!

Tila hindi nag-iisip ng malalim at may kabuluhan ang kababayan ni Dagohoy na si Rep. Relampagos.

Ano kaya ang masasabi rito ng mga kababayan niyang sina Direk Maryo J. delos Reyes, manggagawang pangkultura (award-winning musical scorer sa maraming pelikula at stage plays)  Lutgardo G. Labad, actor Buboy Manhilot aka Cesar Montano?

SEN. BONG REVILLA, AYAW MA-LIFESTYLE CHECK?

Noong una, ayaw kong maniwalang si Bb. Portia Ilagan pa rin ang political adviser er political officer ni Jose Bautista, Jr.. aka Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., not until I heard his privilege speech denouncing the whistleblowers claim and condenming their accusations regarding his involvement in the P10 billion pork barrel scam.

Pero nang banggitin ni Mr. Pogi ang isang bersikulo na hango sa Bibliya, doon ko napagtantong hindi pa pala kumakawala sa ‘ilalim ng pundiya’ ni Bong si Bb. Portia.

Heto ulit ang isang malinaw na ‘ideya’ ni Portia, na kanyang ibinulong kay Bong nang banggitin ng  mabunying mambabatas na dapat din daw ipa-lifstyle check si Pangulong Noynoy sampu ng kanyang Gabinete, nang hamunin siya ng dating director ng Technology Resource Center na si Dennis Cunanan, na sumailalim sa lifestyle check.

Imbes na tanggapin ang hamong lifestyle check, gumawa pa siya ng sub-plot sa istoryang silang mga sangkot sa pork barrel scandal ang dapat gisahin.

Lalo lamang napapalayo sa masa ang asawa ni Lani Mercado aka Candy Hernandez sa kanyang kawalang alam sa public service dahil ang alam lang nila’y pulos lip service lamang.

Bigla kong naalala ang pagbabanta ni Rep. Lani Mercado nang ipahayag ng Malakanyang na buwagin na ang PDAF, ‘sige, tanggalin nila ang PDAF, pero huwag nang lalapit ang mga taga-Cavite para humingi ng tulong,’ or something to that effect.

MAY BAGO NANG PANGULO  ANG ALIW AWARDS FOUNDATION, INC.

IPINAPAALAM ng  Aliw Awards Foundation, Inc.(AAFI) na ang nasabing samahan ay meron nang pangulo, dahil natapos na ang termino ng dating pangulong si  Junne Quintana, na nag-expired ang termino nitong Disyembre.

Para sa taong 2014-2015, pinamumunuan ang Board ni Ms.  Alice H. Reyes, na gaganap bilang transition president hanggang sa idaraos na halalan para sa 2015- 2016 Board sa Disyembre, 2014.

Sa ilalim ng by-laws ng AAFI,  ang Pangulo ay ihahalal para sa isang taong pag-upo na merong posibilidad na muling mahalal.

Muling nahalal sina Brian J. Lu, 1st Vice-President; Frank G.Rivera,  2nd Vice-President; Tess A. Tan, Secretary; Francia Conrad  Francia Conrado, Treasurer; Sonny Valencia, PRO and Trustees  Trustees Dennis Aguilar, Leonardo Q. Belen, Ofelia Cajigal,  Cajigal, Sylvia H. Cruz, Efren Montano,  Angelo Eloy Padua, Len Sant Padua, Len Santos at Art Tapalla.

***

Binabati natin ang mga kababaihan ng daigdig sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan (International Women’s Day) bukas, Marso 8.

Dahil sa makasaysayang pag-aaklas ng mga manggagawang kababaihan na naganap sa Nuweba York, maraming taon nang nakararaan, tinamamasa ngayon ng sektor ng kababaihan ang walong-oras paggawa sa buong daigdig at iba pang prebilehiyo kaugnay sa paggawa.

At simula noon, unti-unting nabura ang pagtrato sa sektor ng kababaihan na mga pambahay lang at ginagawang libangan ng lipunang hinulma ng machismo tsubinista!

Mabuhay ang mga nanay, mga ate, mga ditse, mga tita, mga auntie, mga manang, at iba pang katawagan sa kababaihan sa iba’t ibang rehiyon sa buong kapuluan!

Mabuhay ang Manggagawang Kababaihan ng Daigdig!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *