Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel, sinundan si John sa Kapamilya Network

ni  Roldan Castro

GINULAT ng aktres na si Isabel Oli ang sambayanan nang lumabas ito sa promo plug ng ABS-CBN top-rating primetime family drama na Annaliza.

Dahil sa pagganap niya ito kung kaya’t hindi maiiwasang magtanong ang publiko kung tuluyan na bang magiging Kapamilya si Isabel. Kinaray na ba sa ABS-CBN 2 ni John Prats ang kanyang girlfriend?

“Sa ngayon freelancer ako at bukas ang aking pintuan sa lahat ng networks na nais akong kunin bilang aktres,” sey ni Isabel.

“Masaya ako na makatrabaho ang lahat ng bumubuo ng ‘Annaliza’ at makabalik uli sa network kung saan ako nagsimula,”dagdag pa niya.

Gagampanan ni Isabel ang papel na Bernadette, ang bagong chef sa Ristorante Isabel. Kung mabuti o masama ang pakay niya sa buhay ng batang bida na si Annaliza (Andrea Brillantes) ang siyang dapat alamin ng mga manonood sa huling tatlong linggo ng hit primetime serye.

Bukod sa pagpasok ni Isabel sa kuwento, dapat pakatutukan din ngayong linggo ang napipintong pagtakas ni Makoy (Carlo Aquino) kay Stella (Kaye Abad) pati na rin ang tangkang panggagahasa ni Cedric (Alex Castro) kay Isabel (Denise Laurel). Muli na naman bang magiging impiyerno ang buhay ni Annaliza sa pagbabalik ni Stella? Paano tatakas si Isabel sa maitim na balak ni Cedric? Kakampi ba o kaaway si Chef Bernadette?

Pakatutukan ang mga huling tatlong linggo ng Annaliza gabi-gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …