Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Honesto, pinagkakaguluhan na raw ‘pag nasa mall (Nagre-rate man, tatapusin na)

ni  ALEX DATU

Honesto, pinagkakaguluhan na raw ‘pag nasa mall

DAHIL ‘honesty’ ang pinag-uusapan sa finale presscon ng Honesto na ilang araw na lamang ang itatakbo sa ere, naging honest ang sagot ng tatlong cast na sina Cristine Reyes, Paulo Avelino, at ang “boy wonder” na si Raikko Matteo aka Honesto.

Kahit ‘opo’ ang madalas isagot ni Raikko ay nakaaaliw siya but in fairness, mayroon siyang mahabang sagot sa tanong kung kumusta na siya ngayong napapanood na gabi-gabi sa telebisyon.

Aniya, ” Opo, pinagkakaguluhan po ako kapag pumupunta po kami sa mall. Maraming nagpapa-picture sa akin.”

Tinanong din ito tungkol sa kung may naiipon siya mula sa kanyang TF, kung mayroong ipinabili sa kanyang mga magulang?

“Wala po. Nasa nanay ko po ang pera, siya po ang nagtatago.”

Honesto , Nagre-rate man, tatapusin na

AS we have said, ilang araw na lang at magwawakas na ang Honesto na kahit nagre-rate ay kailangan nang magpaalam dahil maraming show pa ang ipalalabas. Akala kasi ng iba ay matutulad ito sa May Bukas Pa na inabot ng halos isang taon.

Ayon sa spokesman ng Dreamscape  Entertainment, Kapamilya means business kaya talagang kailangang mamaalam ang Honesto to give way sa mga naka-line up na shows. Marami pa kasi silang show na naka-line-up at nai-taping na.

Pero hindi dapat malungkot ang mga fan ni Honesto dahil mayroon silang apat na linggo na mapapanood siya sa Once Upon A Time at may isa pang project na niluluto para sa kanya angABS-CBN at Dreamscape.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …