ni Maricris Valdez Nicasio / Reggee Bonoan
TIYAK na maninibago ang karamihang fans ni Gary Valenciano kapag napanood siya sa muli niyang pagtatanghal dahil posibleng mawala na ang taguri sa kanya bilang “Mr. Pure Energy”.
Ayon kasi kay Gary, hindi na siya bata pa para gawin ang dati niyang ginagawa na super galawgaw o buwis buhay na pagsasayaw. Pero, hindi naman nangangahulugan hindi na siyang makikitang sumasayaw.
Aniya, minsan daw kasing sinabi ng anak niya na hindi na niya dapat gawin pa ang mga rati niyang galaw. ”He said, ‘Dad, at your age, you just have to make it precise.’ That’s what I want,” paliwanag ni Gary sa launching ng kanyang kasalukuyang album na With You na ginawa sa Polari Entertainment Bar.
Sinabi pa ni Gary, na mag-50-anyos na siya sa kanyang birthday sa August, at ang anak niyang si Paolo ang nagsabi sa kanya na hindi na niya kailangang gawin ang mga tinatawag na “big movements” sa tuwing may show siya.
Pero iginiit naman niyang hindi mawawala ang pagsayaw-sayaw niya sa kanyang mga concert at performance. ”Hinding hindi nawawala ang galaw. Gusto ko lang i-clarify na hindi naman mawawala ‘yung galaw. I don’t mean that. I think people are also wondering, ‘hanggang kailan pa kaya ni Mr. Gary ang ganitong klaseng concerts and all,’” paliwanag pa niya.
Ani Gary, ”I’m going to dance, I’m going to move, pero hindi na ‘yon ang pinaka-main thrust ko sa concerts ko. Hindi na ako mapi-pressure sa pangalang Mr. Pure Energy. Kasi oras na ‘yon ang mangyari, ‘yun at ‘yun na lang ang iisipin ko. Kailangan ganito, kailangan ganyan, kailangang gumalaw ako ng ganito and I don’t want to. I don’t want to worry about that.”
Samantala, magkakaroon ng concert si Gary sa April 11 at 12, ang Arise: Gary V 3.0na gagawin sa Araneta Coliseum. Ito’y bilang paggunita sa kanyang ika-30 taon sa showbiz. Dito’y iparirinig ni Gary ang kanyang mga best-loved hits at mga awitin mula sa pinakabagong album na With You. Ididirehe ito ng kanyang anak na si Paolo at special guest naman si Gab na lilipad pabalik ng ‘Pinas para lamang sa konsiyertong ito.
Sa kabilang banda, ang With You album ay isang inspirational album na ipinrodyus ni Gary para sa GV Productions Inc., sa pakikipagtulungan ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., at Universal Records. Naglalaman ito ng 10 awitin na collaboration ni Gary sa mga bagong artists at ilan sa mga best songwriters sa bansa pati na ng experimental productions tulad ng upbeat big band carrier single naHe’s Enough na nagtatampok kay AKA Jam; Ngiti ni Young JV, at With You kasama naman ni Gary ang bunsong anak na si Kiana. Isinulat mismo ni Gary ang With You para sa kasal ng kanyang panganay na anak na si Paolo kay Samantha Godinez noong Pebrero 2013 at nabigyan ito ng fresh touch sa kanyang duet kasama si Kiana na nagwagi bilang Best Child Recording Artist at Best Christmas Recording noong 2001 sa edad 7 para sa awiting Once Again It’s Christmas.
Ang With You album ay available na nationwide.
Maricris Valdez Nicasio
Gary, ‘di na kayang sumayaw?
ANG With You ang panlimang inspirational album ni Gary Valenciano na ini-launch noong Martes sa Polari Bar kasabay ng pag-anunsiyo rin sa darating na concert nito sa Smart Araneta Coliseum na may titulong Arise Gary V 3.0 sa Abril 11 at 12.
Taong 2007 ng huling maglabas ng inspirational album si Gary na may titulong Rebirth, bago ang Soulfull (2005),Revive (2001), at Shout For Joy (1991).
Ang ilang inspirational songs na naging hit ay ang Shout For Joy, Natutulog Ba Ang Diyos, Gaya Ng Dati, Take Me Out Of The Dark, Could You Be Messiah, I Will Be Here, Shake It Off, at Warrior is A Child.
Bagamat inspirational songs ang nasa With You album ni Gary V ay nasanay na ang lahat na sa tuwing may album at concert siya ay kailangan niyang magpakita ng bagong dance moves na ginagaya ng lahat.
Nakangiting sagot ni Mr. Pure Energy, ”dancing is not as easy anymore.”
Pero sa edad 49 ay kaya pa ring humataw at makipagsabayan ni Gary V, ”I think people are also wondering, ‘hanggang kailan pa kaya kaya ni Mr. Pure Energy ‘yung ganitong mga klaseng concerts?
“Me, I’m just gonna come out and enjoy. Bahala na kung ano ang sasabihin ng tao. But I’m going to come out, I’m going to dance, I’m going to move,” aniya.
Pero aware siya na ayaw na rin niyang makarinig ng komentong, ‘kailan kaya titigil si Gary na sumasayaw’ o ‘matanda na siya.’
Kaya ang payo raw ng panganay niyang anak na si Paolo, “instead of making it big, it’s being precise. You make small moves, but very precise,” na ipinakita naman habang kumakanta ng He’s Enough si Gary na kasama saWith You album, produced ng GV Productions, Inc. in cooperation ng Manila Genesis Entertainment and Management at Universal Records.
Sabi pa, “hindi ako mape-pressure sa pangalang Mr. Pure Energy. Kasi sa oras na iyon ang nangyari, iyon at iyon na lang ang iisipin ko. And I don’t want to worry about that. For me, I’ll think of a name that has something to do with impossibilities being made possible and being a living and walking miracle.”
Ang mga awiting He’s Enough ay kasamang nag-perform ni Gary ang AKA Jam, ang anak na si Keana naman saWith You na dedicated sa anak na si Paolo noong ikasal, at si Young JV sa awiting Ngiti na nag-prinsintang gusto siyang maka-duet sa isang kanta.
Mapapakinggan din ang Kapit Pinoy, No Mount Too High, Saytay, Para Sa ‘Yo Ama, The Answer, Come To Jesus, at In You sa nasabing album.
Reggee Bonoan