ni Alex Datu
NANG tanungin naman si Cristine Reyes kung hindi ba nagpaparamdam sa kanya si Paulo Avelinona tulad niyang single din, sinabi nitong hindi naman porke’t magkasama sila ay may ligawan nang nagaganap.
“Di dapat, lahat sila ay naka-on ko. Hindi naman ganoon. Seryosong tao si Pao at dedicated sa work. Gusto ko siya pero ‘di naman siya nagpaparamdam.”
At dahil nga, honesty ang theme of the day, walang pakundangan na inamin ng aktres na ang lahat ng kanyang mga ex ay mga kaibigan niya ngayon. Tulad ni Rayver Cruz na palagi silang magkasama dahil halos magkapitbahay sila. Ganoon din si Derek Ramsay na kahit magkalapit sila ng tirahan ay kulang ang kanilang komunikasyon dahil sobrang busy ang aktor.
Pati si Dennis Trillo ay ikinanta niya pero ilihim daw nila ang relasyon dahil ‘yung ang kailangang mangyari. Ikinagulat pa nga ang pag-amin nitong naging sila rin ni Mark Herras at hanggang ngayon open ang communication nila. Aniya, kung siya ang nasa lugar ni Ynna Asistio na nakabuntis ang kanyang boyfriend, she will just deal with it.