Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bimby, tinanong si Kris ukol sa sex

ni  Reggee Bonoan

SA kauna-unahang pagkakataon ay natanong si Kris Aquino ng bagay na sa pakiramdam niya ay kinailangan niyang manalangin sa Diyos para masagot ito ng tama.

Kilala si Kris na matapang na hinaharap ang lahat ng problemang nasuungan niya at diretso ring magtanong sa maiinit na isyu para ma-klaro.

Sa episode ng Kris TV kahapon ay ikinuwento ni Kris ang tanong ni Bimby sa kanya na sa edad na anim na taon ay sinong mag-aakalang may alam na ang bagets sa sex?

Kuwento ni Kris, “‘mama, so Kuya and I have different papas, right? So that means you had sex with two men?”

Nagulat daw si Kris, “oh my God, nagdarasal ako. Sabi ko, ‘sana tama ang isagot ko.’ sabi ko, ‘Yeah, Bimb. I was confused, I was wrong. You should stick to one.”

Kaya payo ng TV host sa mga nanay na may mga anak na ganito rin ang tanong sa kanila, “If you have a child who’s so curious, talagang sagutin mo nang diretso.

At sa huli ay naisip ni Kris na nakaganda na rin na alam ni Bimby ang tungkol sa nangyari sa buhay niya para kapag nag-asawa ang anak ay may alam na ito.

Bagay na tama rin ang naisip ng Queen of All Media dahil sabi raw ni Bimby sa kanya, “Sabi niya (Bimby) ‘Me, I’m gonna have one wife and I’m only going to sleep with one woman.’ Sabi ko, ‘Ipapaalala ko ‘yan sa iyo (Bimby).”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …