NAGTUNGO na si Mayor Alfredo Lim sa Washington para tumestigo pabor kay Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa kinanselang kontrata para sa Pasig River at Laguna de bay dredging.
Kinansela ni PNoy ang nasabing kontrata dahil aniya, isa iyon sa ‘pinakamadayang’ proyekto na ginagawa ng gobyerno.
Paano nga naman masusukat at mapatutunayan na nahukay at nalinis ang nasabing ilog.
Milyon-milyon ang ginagastos sa project na ito sa panahon ni dating DENR Sec. Lito Atienza pero ilang buwan lang ‘e muli na namang magbabara ang ilog at sandamakmak na naman ang basura.
Kung hindi tayo nagkakamali, idinemanda si PNoy ng nasabing kompanya nang kanselahin niya ang kontrata.
Tsk tsk tsk …
SONABAGAN!
Tayo na ang naloko, tayo pa ang idinemanda.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com