Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May ka-sex sa dream pero ‘virgin’

Dear senor,

Mdalas aqo mnaginip may ka sex dw ako, pero s totoo naman po, wala p aq xperience s sex, peo 20 n aq, msan nga napapaisip aqo qng gay kya aq? pro s dream q naman, babae dw ka sex q, isa pa po, sobra kasi aq mahiyain s babae, anu po kya meaning nito?  Don’t print my cp# po- joel.

To Joel

Ang panaginip ukol sa sex ay may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng iyong sarili o pagkatao.  Maaaring senyal ito sa iyo upang mabatid na naghahanap ang iyong pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex.  Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi mo ito mailabas sa reyalidad kaya lumalabas ito sa iyong panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan o nagsisilbing palaisipan. Dahil ikaw nga ay wala pang karanasan sa sex, kaya ganito ang tema ng iyong panaginip. Pero, hindi naman ibig sabihin o porke wala ka pang karanasan sa sex, basta-basta ka na lang sasabak upang ma-experience mo ito. Dapat mag-ingat at huwag maging padalos-dalos sa iyong sex life dahil maaaring maging mitsa ng habang buhay na pagsisisi sa iyong panig, ang ilang panandaliang adventures na maaaring kasadlakan mo. Malinaw kasi na ikaw ay naghahanap ng intimacy at closeness sa iyong sex life, ikaw ay naghahanap din ng physical at emotional love. Hayaan mong kusa itong dumating at hindi iyong ipinipilit,. Tandaan mo rin na kailangan kang laging maging respon-sable sa buhay, lalo na pagdating sa sex. Hinggil naman sa iyong seksuwalidad, ikaw lamang ang makaka-alam ng iyong sexual preference, kaya huwag mong husgahan ang iyong sarili lalo’t wala kang sapat na batayan upang isiping ikaw ay isang gay. Makabubuti kung dadagdagan ang pakikihalubilo sa opposite sex, dahil maaaring maging susi ito para maalis o mabawasan ang iyong pagiging mahiyain.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …