Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lomachenko ipinagyayabang ni Arum

NAKAGUGULAT itong si Bob Arum ng Top Rank nang ipahayag niya sa media na si Vasyl Lomachenko ang susunod na sensesyon ng boksing.

Katunayan ay ni-rate niya si Lomachenko bilang isa sa limang pinakamagaling na boksingero ngayon sa mundo.

Medyo napataas ang kilay ng mga kritiko ng boksing sa tinurang iyon ni Arum dahil sa kasalukuyan ay may isang professional fight pa lang si Lomachenko (1-0 KO win) para sa papuring iyon.  Ikanga masyadong premature.

Sa hindi nakakakilala kay Lomachenko, narito ang maikling background sa kanyang boxing career.   Ang boksingerong taga Ukrain ay isang featherweight at naging two-time Olympic gold medalist.

Ang una niyang laban bilang pro ay kontra kay Mexican Jose Ramirez na pinatulog niya sa 4th round.

Sabagay, hindi natin matatawaran ang kakayahan ni Arum na tumasa ng isang future world champion.   Di ba’t siya rin naman ang nagpasikat kina Oscar De La Hoya, Floyd Mayweather at Manny Pacquiao.

Sa madaling salita, ang expertise  ni Arum pagdating sa kaalaman sa boksing  ay  hindi matatawaran.

Well, malalaman natin kung may punto si Arum sa kanyang pagyayabang dito sa bago niyang alaga kapag nakalaban na nito sa darating na Linggo ang matinding boksingero na si Orlando Salido na ididipensa ang tangang titulo sa WBO featherweight.

Matindi talaga itong si Lomachengko di po ba?   Biruin mong sa ikalawang salang niya bilang pro ay sa titulo agad siya inilaban?

***

Lilinawin lang natin ang isang isyu dito sa aming lugar na kung sino talaga ang may-ari ng isang Make Kawasaki na may Plate No. 6042-TG.

Ang nasabing motorsiklo ay orihinal na pag-aari ni Pepito De Guzman ng 2830 Javier St. , Gagalangin,  Tondo,  Manila .  Pero nang sumakabilang buhay ang kaibigan natin ay natural na namana ng asawang si  Corazon de Guzman at ng kanyang anak na si Mary Rose de Guzman ang pagmamay-ari.

Pero ngayon ay pag-aari na ni Elena Viscayno ng 2063 Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila  ang nasabing unit dahil sa isang lehitimong bentahan.

Malinaw na po iyon sa ating mga ka-lugar.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …