Friday , November 15 2024

Buhay ng sanggol nailigtas ng 3D heart print-out

NAILIGTAS ang buhay ng 14-buwan gulang na sanggol sa US – salamat sa supersized 3D print-out ng kanyang puso.

Si Roland Lian Cung Bawi ng Owensboro, Kentucky, ay isinilang na may apat na congenital heart defects at kailangan na sumailalim sa life-saving heart surgery.

Kailangan ng mga doktor nang higit pang kaalaman sa kanyang kondisyon bago siya maoperahan.

Ang solusyon ay ang paggamit ng cutting-edge 3D printing technology na bubuo ng reproduksyon ng puso ng sanggol na 1.5 times higit na malaki kaysa aktuwal na sukat nito.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa model heart, naisagawa ng mga doktor ang hands-on understan-ding kung paano gagawin ang operasyon.

Si Roland ay sumailalim sa matagumpay na operasyon at kalaunan ay pinalabas na mula sa Kosair Children’s Hospital. Maa-yos naman ang prognosis sa kanyang kalagayan.

Ang operasyon ay kolaborasyon ng University of Louisville engineers, physicians at ng Kosair Children’s Hospital.

Ang model ay binuo sa tatlong piraso gamit ang flexible filament at umabot ng 20 machine hours bago natapos sa halagang £360 lamang.

Sa pama-magitan nito, nagawa ni cardiothora-cic surgeon Erle Austin III na makapag-develop ng surgical plan at nakompleto ang heart repair sa isang operasyon lamang.

“I found the model to be a game changer in planning to do surgery on a complex congenital heart defect,” aniya. (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *