Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, marusing na raw at mukhang ermitanyo na? (Pagbabalik sa Dos, hinaharang?)

ni Roldan Castro

MARAMI ang nakapupuna sa haba ng buhok ni Willie Revillame. Ang nakaloloka, lumabas sa isang tabloid (hindi rito sa Hataw) na mukha na siyang ermitanyo at  marusing.

Ang hard naman ng comment na ‘yun. Mahaba lang ang hair, marusing na?

Kinokonek pa  ang pamamahinga ni Wil sa  telebisyon  kaya nagkaganoon daw ang hitsura.

Ayon sa isang malapit sa TV host , ayaw lang magpagupit ni Kuya Wil  dahil ini-enjoy niya ang haba ng hair at ibang look naman.

At kahit wala pa siyang TV show, sobrang busy niya sa pag-aasikaso ng kanyang  Wil Tower Mall at sa bagong bahay at hotel na pinagagawa niya sa Tagaytay.

May mga alingasngas din  at nasa isang blog na babalik na sa ABS-CBN 2 si  Willie pero may mga executive na umano’y humaharang?

How true?

Kylie, disappointed na ‘di pa nakakasama si Aljur sa serye

VERY vocal si Kylie Padilla na gusto rin niyang makasama sa isang serye ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Muntik na ngang magsama sila pero naudlot naman. Disappointed  nga si Kylie that time.

Kahit naman si Aljur ay looking forward na makapartner ang katipan. Pero ipinauubaya na lang niya sa desisyon ng management.

Talbog!

Michael Christian, bet si Kathryn

HINDI na talaga maawat ang popularity ni Michael Christian Martinez na wala namang ambisyon na pasukin ang showbiz. Ang gusto lang niya ay magkamedalya at maging kampeon sa Olympics.

Pero nang tanungin kung sino ang bet niya sa mga young star, buong ningning niyang sinabi na si Kathryn Bernardo.

Hindi kaya pagselosan ito ni Daniel Padilla na kasing-popular niya ang  nagkakagusto sa ka-MU niya?

May mga  pakiyeme pa naman si Daniel na  hindi niya minamadali na maging opisyal silang magkasintahan ni Kathryn. Huwag muna raw pasagutin si Kat para hindi ma-pressure. May ganoon?

Aba’y habang tumatagal, ang daming nagkakagusto at gustong umaligid sa ka-love team niya, huh!

Kampante lang at relax si DJ sa piling ni Kathryn lalo’t siya naman ang escort ng dalaga sa debut party nito sa March 26. Iniisip na rin niya ang sorpresa at pasabog niya sa importanteng araw ng dalaga.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …