Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Port of Cebu, nasungkit ang February target; LTO-7 chief inirereklamo!

SALUDO tayo kay Port of Cebu district collector Roberto Almadin at muling nasungkit ang nakatokang collection target ngayong buwan ng Pebrero.

Batay sa record ng Collection Division chief Radi Abarintos, Peb 25 pa lamang na eksaktong ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Re-volution na kauna-unahang idinaos ang pagdiriwang sa Cebu City, nakakolekta ang BoC Port of Cebu ng P973,841,884 sa harap ng collection target na P941,989,000.

Kahit na meron pang tatlong araw na bubunuin ay meron nang surplus na P31,852,884 ang Port of Cebu sa pamumuno ni Collector Almadin. Matatandaan na noong nakaraang taon ay merong excess na P9-BILYON ang Port of Cebu sa kanyang P8.7 billion target sa 2013.

Ngayong 2014 ay P12.4 billion na ang target collection o P3-BILLION na mas mahigit sa nakolekta noong nagdaang taon. Tiwala naman si Collector Almadin na ma-meet ang target dahil sa kanyang mga reporma at kooperasyon nang lahat ng stakeholders sa Aduana sa Sugbo.

SAMANTALA, inakusahan ng isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) ng Region 7 si Acting Director Arnel Tancinco na pinipuwersa umano siya na magbigay ng P5,000 araw-araw para sa nasabing opisyal.

Sa kanyang sinumpaang salaysay kay Atty. Grace Guduquio-Larona, sinabi ni Carmenia Caballes, evaluator ng Manufacturer, Assembler, Importers and Dealers System (Maids) ng LTO 7, na inatasan siya ng kanilang administrative officer na dagdagan ang pera na nakakabit sa mga dokumento hanggang P5,000 para sa acting director.

Di pa raw nakontento, tinaasan uli ito hanggang P7,000/araw dahil ang extra P2,000 ay para sa dalawang empleyado uoang hindi sila tumuga o mag-squeal Nang mabigo umano sa “paghatag” si Caballes ay ibinalik siya sa kanyang lumang plantilla item sa Region 8 na nakabase sa Tacloban City.

Mariin namang pinabulaanan ito ni Tancinco at sinabing maging sa affidavit ni Cabales ay malinaw na kanyang tinanggihan ang alok na pera. Abangan ang susunod na kabanata!

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …