Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, threat sa tambalang Daniel at Kathryn (Kaya nagwawala ang Kathniel fans…)

ni Reggee Bonoan

NASULAT namin dito sa Hataw kahapon ang tungkol kay Liza Soberano na ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Got To Believe.

Nabanggit naming posibleng maagaw ni Liza si Daniel kay Kath dahil base rin sa napapanood namin ay may chemistry ang dalawang bagets.

At nagulat kami dahil sobrang nag-react ang KathNiel fans na talagang inulan kami ng bayolenteng reaksiyon sa social media.

May mga nagsabing, “suntukan na lang tayo, @bonoanbangus, hindi mahilig si DJ sa manga (mahaba baba); Magparami muna ng faney (fans) si Liza; Sa role lang, pero hindi na sa puso ni DJ; Kakabwiset na joke.hahaha. e di try n’yo tingnan natin saan pupulutin ‘yang alaga n’yo,.d nmin kau tatantanan; Kulang pa c Lisa s acting,kung sila nga n kath xa ang daming dialog samantalang c kath iyak lng pero sabog,waley ang dialog nya; I think @bonoanbangus is aware na sobrang dami ng KN fans di basta2 matataob :> layoo.”

Marami pa kaming nakuhang reaksiyon na hindi na lang namin isinulat pa dahil sobrang dami at haba. Iisa lang ang masasabi namin, threat si Liza sa KathNiel.

Sayang hindi namin natanong kung ka-join si Liza sa She’s Dating A Gangster bilang ka-lovetriangle ulit.

Anyway, bilang pasalamat sa lahat ng KathNiel fans ay magkakaroon ng Best Fair Ever sa Linggo, Marso 2, 2014 mula, 8:00 ng umaga na gaganapin sa Makati Circuit na magkakaroon ng show ang mga bidang sina Kathryn at Daniel plus special guests. Sa lahat ng pupunta ay may photo booths, may rides, at army kit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …