Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, marami nang natutuhan kay Coco (‘Di pa man nagtatagal ang samahan)

ni Reggee Bonoan

SA ginanap na presscon ng Ikaw Lamang ay natanong si Kim Chiu kung ano ang hinahanap niya sa isang leading man.

Matatandaang nagkasama na ang dalawa noon sa dalawang seryeng Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo pero hindi naman sila ang magka-partner dahil si Gerald Anderson pa noon ang ka-love team ng aktres.

Ayon kay Kim, “sa leading man, siyempre guwapo si Coco, ah, ‘yung magaling umarte, siguro ‘yun na ‘yun.”

At nang si Coco naman ang tanungin kung ano ang hinahanap niya sa leading lady, “siyempre ‘yung makatutulong ko sa trabaho, makakapag-inspire sa akin, kasi sa akin, sa tuwing gumagawa ako ng soap (drama) gusto ko magkakaibigan kami at para kaming isang pamilya.

“’Yung cooperative rin na iniisip ang lahat para mapagaan ang trabaho at hindi lang ang sarili niya.”

Aminado si Coco na napi-pressure siya ngayon kay Kim dahil ang galing na raw niyang umarte kompara noon, in fairness Ateng Maricris, malaki na talaga ang ipinagbago ng aktres ngayon, may pinaghuhugutan na kasi.

At si Kim naman ay, “kilala si Coco na maraming best actor award kaya masaya ako na nakasama ko siya kasi marami akong matututuhan lalong-lalo na sa larangan ng drama, sa larangan ng tulad nito (‘Ikaw Lamang’) kasi period (story) na iba ang atake. Kaya nagpapasalamat ako sa Dreamscape na binigyan ako ng ganitong proyekto at nakasama ko pa ang isang magaling na artista, so I’m very happy and very thankful.”

Dagdag pa, “marami siyang inputs, marami siyang suggestions na nakagaganda rin ng eksena.”

Kuwento ng pag-iibigan ng magkababatang sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) ang Ikaw Lamang na susubukin sa paglipas ng panahon at gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya.

Magkababata raw sina Coco, Kim, Jake Cuenca, at Julia Montes.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng kuwento ng Ikaw Lamang ngayong Marso 10 (Lunes) na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …