MARAMI ang nagtatanong kung buo pa rin ang United Nationalist Alliance (UNA) na binuo nina Mayor Erap Estrada, VP Jojo Binay at Senator Juan Ponce Enrile.
Sa itinatakbo kasi ng bagong kaganapan sa politika ay malinaw na wala nang UNA dahil biyak na ang samahang Erap at Binay, na ang ugat ay politika sa 2016.
Naging bahagi lamang ang usapin ng Central Market sa Maynila sa paghihiwalay ng 2 haligi ng oposis-yon pero klaro naman na ang pagtatangkang muli ni Erap sa 2016 pre-sidential polls ang dahilan ng pagka-kawatak.
Malinaw na pansariling interes ang nangyari sa UNA kaya’t tiyak na magtutuloy-tuloy na ang pagguho nito at iyan ang scenariong hindi maiiwasan dahil doon na patungo ang itinatakbo nito.
Alvin Feliciano