Monday , December 23 2024

Walang mapapala sa ROTC… at sa CAT na iyan!

NAGING kadete din ako kahit na papaano – ito ay noong estudyante pa ako. High school CAT habang ROTC naman sa college.

No choice noon – talagang kasama na ito sa curriculum kaya, sa ayaw mo at sa gusto ay kailangan may CAT ka at ROTC para makapagtapos o makasam sa magmamartsa.

Ngayon ay hindi na mandatory ang CAT at ROTC … pero may mga kumukuha pa rin nito.

‘Nga pala, ang dalawang training (ROTC at CAT) ay abolished noon sanhi ng mga iba’t ibang reklamo mula sa mga biktima ng mga mapang-abusong officers kuno ng CAT at ROTC maging ng mga commandant.

Mga bugok, gunggong, ‘tado at gutom sa kapangyarihan  na officers (daw) mula platoon leader hanggang corps commander  at commandant.

Noong sumailalim ako sa pagsasanay ng CAT at ROTC, wala akong nakitang masama sa dalawang traning na ito. Okey naman siya. Iyon nga lang ay nasira ang imahen ng dalawa dahil sa mga abusadong CAT/ROTC officers na kinokonsinte naman ng mga commandant.

Noon pa man ay may hazing na sa CAT at ROTC. Ang laging kawawa dito ay  iyong mga COCC o neophyte na gustong maging officer.

Naalala ko noong third year high school ay naging neophyte ako para maging isang officer sa CAT pagdating ng fourth year. Noon pa man ay masama na ang CAT. Wala kang mapapala rito – tuturuan kang maging masama dahil sa pahirap na dinaranas sa CAT officers. ‘Ang mga officer noon ay iyong 4th year HS.

Hindi naman talagang physical fitness ang training na dinanas ko sa kuko ng mga ulol na opisyal kundi pahirap. Ginagawa daw nila iyon bilang paghihiganti – dahil iyon daw din kasi ang dinanas nila sa kamay ng mga officer noong neophyte sila.

Tama ba ‘yon? Mga gago, mali! Mali na kinokonsinte ng commandant noon na isang may apelyidong Ta… tarantado pala.

Training ba iyong pupuntahan ka sa classroom habang nagkaklase at ipapaalam ka sa guro. Pagkatapos, pagkalabas sa classroom at maglalakad-lakad na kaunti ay bigla kang bibigyan sa sikmura. Tama ba iyong? Kukutusan at sasampalin pa.

Tama din ba iyong sisilihan ang ari mo? Tama din ba iyong papakainin ka ng upos ng sigarilyo? Tama ba iyong  ‘pag makita ka sa recess at iyong iinumin mo ay dudurain nila at ipaiinom sa iyo? Sonamagan!

Sa CAT at maging sa ROTC ay nangyayari ito…ROTC, kadete lang ako noon. Hindi ko na tinangka pang pumasok bilang isang COCC dahil walang kuwenta naman bukod nga sa naging karanasan ko sa pagiging neophyte sa CAT. Katunayan, nababayaran pa nga ang ROTC noon. Magbayad ka lang per semester sa ilang tiwaling opisyal ng ROTC hayun, ayos na. Hindi ka na mag-attend pa. Kompleto na ang attendance mo, mataas pa ang grado mo.

Sa CAT naman, dahil sa mga dinanas ko ay hindi na ako nagtuloy pa sa pagiging isang officer—kumalas ako kaya, naging kadete lang noong 4thyear HS na ako.

Ngayon, masalimuot na naman ang isyu sa ROTC…hazing na naman ang isyu. Walang kamatayang reklamo laban sa mga abusadong opisyal ng ROTC at commandant.

Kaya ang dapat na gawin ay tuluyan nang buwagin ang ROTC…oo kahit na hindi na ito mandatory ay dapat nang buwagin. Una, wala talagang maitulong ito sa matatapos mong kurso o sa papasukin mong trabaho. Wala! Wala! Wala!

Sa akin, talagang no to ROTC! Sa nakikita ko pa kasi na kahit sino’ng paupuin na commandant. Demonyo pa rin ang magpapatakbo sa isipan nila! Mga mapagsamantala kasi ang karamihan sa posisyon at gutom sa kapangyarihan. Kaya kahit na katiting na kapangyarihan ang ipinagkatiwala sa kanila, ito ay kanilang inaabuso.

Uli, buwagin na ang CAT/ROTC. Oo maging ito ay hindi na mandatory o hindi na kasama sa curriculum.

Wala naman kasi mapapala sa ROTC at CAT na ito. Isang kagaguhan lang ito!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *