Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Servania ikakasa kay Rigondeaux

POSIBLENG makaharap ni Genesis “Azukal” Servania si WBO superbantamweight champion Guillermo Rigondeaux ngayong taong ito kung tatalunin niya ang taga-Venezuela na si Alexander “El Explosivo” Munoz sa main event ng Pinoy Pride XXIV: The Future is Now sa Sabado, Marso 1, sa Solaire Resort and Casino sa Paranaque.

Ito ang iginiit ng bise-presidente ng operations at events ng ALA Promotions na si Dennis Canete kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Maglalaban sina Servania (23-0-0, 9 KO) at Munoz (36-5-0, 28 KO) para sa WBO intercontinental junior flyweight title sa nasabing fight card na handog ng ALA at ABS-CBN Sports.

Si Rigondeaux ang tumalo kay Donaire sa kanilang title fight noong isang taon sa Carson City, California.

Idinagdag ni Canete na lumaban  na si Munoz sa isang undercard bout sa huling laban ni Floyd Mayweather, Jr. kaya naniniwala siya na ang nasabing banyagang boksingero ay magbibigay ng magandang laban kay Servania.

Ipalalabas ang Pinoy Pride XXIV sa ABS-CBN Channel 2 sa Marso 3, alas-10 ng umaga.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …