Friday , November 22 2024

Pagpapa-interbyu ni Cedric, may mga kondisyones

AFTER almost a month, nagsalita na si Cedric Lee kaugnay ng mga patong-patong na kasong pormal nang isinampa laban sa kanya at sa kanyang grupo ni Vhong Navarro sa DOJ.

But having granted an interview to a select group of TV media men—shortly after the second preliminary investigation last February 21—was  one of inconsistency, himself making a rundown of irrelevant issues tulad ng ibinibintang niya sa ABS-CBN for unfair, false reporting.

Still being the writer in charge of this continuing saga inStartalk—now on its Week 5—buong ipinadala sa amin ang transcribed audio interview ni Cedric.

Pero may mga kaakibat na kondisyon ang pagpapaunlak ng panayam na ‘yon: 1.) walang TV camera ang nakatutok sa kanya; 2.) buo dapat ilabas ng tatlong estasyon ng TV ang interbyung ‘yon lest important portions in it would be edited out.

Of the three networks, mas binakbakan ni Cedric ang ABS-CBN for its character assassination.

Una niyang binatikos ay ang ulat ng isang news program nito ang umano’y pambubugbog niya noon sa karelasyong Vina Morales. The actress, however, denied having been beaten up.

Kinontak din daw ng isa pang programa ng Channel 2 ang ngayo’y nananahimik at happily married nang si Patricia Javier, also Cedric’s ex-girlfriend. Pilit din daw pinipiga ang dating aktres tungkol sa mapait din nitong karanasan sa negosyante.

But Cedric told the media that he even spoke to Patricia for and the night before (February 21). Suportado raw siya nito.

Nangako rin si Cedric na bibigyan niya ang media ng kopya ng tatlong warrants of arrest ni David Bunevacz whose cases filed against him were all dismissed by the court. Nabalitaan daw niya kasing uuwi ng bansa ang atleta (na dati niyang kasosyo sa isang negosyo), pero ayon kay Cedric ay tiyak na ise-serve ang arrest warrant dito once he sets foot on Philippine soil.

Aside from these showbiz references, inireport din daw ng ABS-CBN ang kanyang malakas kapit sa ilang heneral at mga opisyal sa NBI. But Cedric flatly denied whatever connections he had with those high-profile personalities in government.

Pinapaboran ng NBI

Paano raw siya papaboran ng NBI gayong idinidiin nga siya ng nasabing ahensiya in gathering evidence to pin him down in the Vhong Navarro case?

May ilan ding opisyal sa Cebu at Iloilo ang pinangalanan ni Cedric with whom he confessed to have transacted business, but those were legitimate deals.

Hindi rin daw totoong he maintains a string of business entities dahil karamihan daw sa mga ‘yon ay hindi na operational.

Walang FB at Twitter account

Lastly, Cedric denied having Facebook and Twitter accounts, saying hindi raw siya marunong mag-computer kaya imposible sa kanya ang mga account na ‘yon ipinagyayabang niya ang kanyang yaman undermining the measly P1-M na hinihingi (pero pinalalabas na ine-extort) niya mula kay Vhong bilang bayad sa mga nasirang gamit ni Deniece Cornejo sa inuupahang condo unit nito.

Gasino lang daw ang isang milyong piso kung totoong kinikikilan nila si Vhong? Sa rami raw nila, lalabas na bawat isa ay tatanggap lang ng tig-P83,000. Kaya nasaan daw ang logic na balitang mayaman siya (at maging ang mga kasama niyang mga negosyante rin), pero barya-barya lang naman ang kanilang paghahati-hatian?

Si Cedric na ang nagsasalita ng mga sandaling ‘yon, it’s still up to the public to determine kung siya ba’y nagsasabi ng totoo, o salat sa katotohanan ang kanyang mga isiniwalat.

Napakapayak lang ang aming itatanong sa kanya: taga-TV ang mga reporter na pinasunod niya sa tanggapan ng kanyang abogadong si Atty. Howard Calleja sa Tektite Bldg. sa Ortigas sa Pasig City. Ergo, may mga bitbit na camera ang mga mamamahayag na ‘yon, dahil hindi naman ‘yon mga taga-radyo na may mga nakaumang na tape recorder o ano pa mang gadget for live feed reporting.

Mahalagang makita’t mapanood ang mga kilos ng isang iniinterbyu kahit sa kaliit-liitang detalye tulad ng pagkurap ng mata,galaw ng kamay, pagkunot ng noo, pagbuntong-hininga, paglinga ng leeg, at kung ano-ano pa.

Mas nasasalamin kasi sa mga kilos na ito ang pinanggagalingan ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Maaari kasing suwabe at mahinahon ang pagpapakawala ng bawat kataga, pero nakikita ba natin kung ang kilay ng nagsasalita ay halos humalik na sa kanyang anit?

ni  Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *