Friday , November 15 2024

Mga Duterte, Carpio in Davao City tubong Ilocandia

NABANGGIT sa atin ng isang senior abogado ng Bureau of Customs  na ito palang mga Duterte family at maging ang  family Carpio tulad ni Ombudsman Conhita Carpio, kapatid ni Davao City Judge Emmanuel Carpio at maging si Supreme Court Associate Justice ay pawang mga taga-Ilokoslovakia.

Katulad din ng mga successful politicians na sina dating Congressman Nonoy Garcia, City Mayor Luis Santos, isang matapang na alkalde noon martial law, at ang multi-millionaire na si “banana king” Mr. Floreindo ay tubong Ilocos din. Ang iba ay galing sa Central Luzon tulad ni Santos.

Ito ay ating nadiskubre pagkatapos lumabas na si Davao City Judge Carpio ay kapatid ni Ombudsman Carpio, at si Judge (very close raw sila ni Ombudsman) ay ang kabiyak ni Sarah Duterte na dating mayor ng Davao City. Kaya pala magigiting sila at pawang matatapang .

Ano kaya ng reaction ng ating Customs Commissioner si John Philip Sevilla. Kung matatandaan ninyo halos magbitiw ng bad words si Komisyoner pagkatapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) na pinalawak pa sa pamamagitan ng paglalabas ng preliminary injunction.

Mabuti nga at hindi na cite for contempt si Sevilla for saying bad words in one media interview. Ito ay matapos magpalabas ni Judge Carpio ng TRO at preliminary injunction (PI) na  hiniling ng mga consignee/importer ng mga nahuling imported na tone-toneladang bigas sa Davao Port sometime late last year.

Ang purpose naman ni Judge Carpio ay para maseguro kung may basehan ang customs sa ilalim ni Sevilla na hulihin ang rice shipment sa paghuli ng mga bigas na ito. Ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng Solicitor General’s office.

Tagumpay naman ang mga  nagpetisyon sa SC tapos na mag-isyu ang mataas na hukuman ng TRO good for ten days during which time both the government and the consignees have to submit their respective memoranda sa justices. Ang purpose dito ng SC ay upang ma-establish kung sumunod ba o lumabag sa due process si Judge Carpio. Kung halimbawang nilabag ni Carpio ang process, pwede siyang mapatawan ng administrative complaint.

May kanya-kanyang argumento ang two sides sa isyu na ito. Ang pamahalaan kinokonsidera na smuggling ang rice import kung wala itong import permit buhat sa NFA. Ito namang mga importer iginigiit na hindi na kailagnan pa ang NFA permit dahil paniwala nila na tinanggal na ang restriction sa pag-angkat ng bigas ng World Trade Organization (WTO) sa lahat ng member countries tulad ng Pinas.

Basta’t ibabayad lang nang tama ang taxes/duties kahit wala na ang NFA permit. Iginigiit ng NFA na mali ito.

Buhat nang itinanghal ng WTO ang qualitative restriction (QR) sa rice import tuloy-tuloy pa ri n ang NFA sa pagbabawal ng importation na walang import permit. Isa ito sa mga isyu na idi-discuss ng SC sa kabila na paniwala ng mga abogado  ng Customs na ang domestic law (tulad ng NFA restriction re – IP) cannot prevail over in international treaty like the one issued by WTO in 2012. It is further argued that the Philippines risks sanctions from WTO if it continues to ignore the lifting of the QR.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *