Dear Señor H,
Ang skn naman poh na panagenip lage poh ako may ka away at na patay ko dw poh ung kalabn ko at nakatulog daw po, ako at pg gesing ko poh, pawis na pawis poh ako at takot na takot anu poh ang dapat kung gawin ako poh pala c Alvin Cristo.
(09329251503)
To Alvin,
Kapag nanaginip na ikaw ay nakikipag-away, ito ay nagsasaad ng inner turmoil. Ang ilang aspeto ng iyong pagkatao ay may conflict sa ibang aspeto ng iyong sarili. Maaaring dahil ito sa hindi pa nareresolba o hindi kinikilalang bahagi ng pagkatao mo na nakikipaglaban sa karapatan nito na madinig. Ito ay maaari rin na may kaugnayan o parallel sa pakikipaglaban o sa struggle na iyong pinagdadaanan sa estadong ikaw ay gising.
Ang bungang-tulog na may napatay ka ay nagsasabi na ikaw ay nasa bingit o nasa kalaga-yan na hindi mo na mapigilan ang iyong galit at self control. Alamin ang taong napatay sa panaginip dahil maaaring talagang may galit ka sa kanya sa estadong ikaw ay gising. Posible rin na ang panaginip mo ay nagpapakita ng nakatagong galit. Alternatively, maaari naman na sinusubukan mong patayin ang ilang aspeto ng iyong pagkatao at ito ay nire-represent ng taong napatay mo sa iyong panaginip. Maaring ito ay indikasyon din ng kagustuhang putulin o ilibing na ang isang masamang ugali o habit, pati na rin ng adiksiyon sa isa o ilang bagay. Alternatively, posibleng ito ay ukol din sa ilang repressed aggression or rage sa iyong sarili o sa ibang tao. Tandaan din na ang ganitong tema ng panaginip ay kadalasang nangyayari sa panahon ng depression. Señor H.