Friday , November 15 2024

Gomburza (2)

MALI ang mga Kastila sa kanilang akala. Imbis na tumahimik ay lalong lumakas ang protesta sa loob ng simbahan at kumalat pa ito sa mga edukadong sektor ng lipunan sa Pilipinas. Imbis na panghinaan ng loob ay lalong tumibay ang paninindigan ng ating mga bayani para lumaban sa mga Kastila. Lalong lumakas ang protesta na nauwi sa pagtatayo nang kilusang propaganda at Katipunan. Nakapag-bigay ng lakas ng loob ang pagbitay sa tatlong pari kaya nga nagawang ialay sa kanila ni Rizal ang kanyang subersibong nobela na “El Filibusterismo” samantalang ginamit naman ni Bonifacio bilang isa sa mga password ng Katipunan ang salitang “Gomburza.”

Ayun, malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na pinukaw ng kamatayan nina Gomburza ang imahinasyong bayan. Ang nakakatiim-bagang epekto nang pagbitay kina Gomburza ay kahalintulad na naramdaman ng mga naka-alam ng pagbaril kay Rizal nuong 1896. Ganito ring uri nang damdamin ang naramdaman ng mga miyembro ng “cause oriented groups” matapos asasinahin si dating Senador Benigno Aquino Jr. nuong 1983.

Napansin ba ninyo na matapos pinatay si Rizal ay lalong lumakas ang Katipunan at tatlong taon matapos naman na pataksil na patayin si Aquino ay nagkaroon ng EDSA revolution at napatalsik ang rehimeng Marcos? Ang kamatayan nila Gomburza, Rizal at Aquino ay sinundan ng mga pangyayari na bumago sa ating bayan.

Pero bakit nga ba napag-initan ng mga prayle sina Gomburza? Nagumpisa ang lahat ng manindigan si Padre Pelaez, administrador ng Arkodayosis ng Maynila, para maging sekular ang simbahan sa Pilipinas. Ang gusto ni Padre Pelaez ay dapat ng ipasa ng mga Kastila sa mga katutubong pari ang pagpapatakbo nang mga dayosis, parokya at simbahan, isang bagay na mahigpit na tinutulan at kinamuhian ng mga prayle.

Sayang at nakamatayan ni Padre Pelaez ang kanyang kausa nuong ika-3 ng Hunyo, 1863 matapos siyang madaganan ng Katedral ng Maynila kasunod ang isang malakas na lindol. Ang ginawa ni Padre Pelaez ay maituturing na unang pinaka-malaking iskismong pang-relihiyon (religious schism) sa ating bayan.

Bilang istudyante ni Padre Pelaez ay ipinagpatuloy naman ni Padre Burgos ang kilusan para sa sekularisasyon hanggang sa kanyang pagreretiro. Gayun man hindi nakalimutan ng mga prayle si Pelaez at Burgos. Arogante raw ang dalawa kaya nang magkaroon ng sila pagkakataon matapos ang tinatawag na Cavite mutiny nuong 1872 ay agad nilang idiin si Burgos at sina Padre Gomez at Zamora. Hindi nag-atubili ang mga prayle kahit matanda na si Burgos ng mga panahon na iyon.

Matapos mawala sina Gomburza ay ipinagpatuloy naman ni Padre Aglipay ang kilusang sekularisasyon. Ang kanyang pagkilos ay nauwi sa ikalawang malaking iskismong pang-relihiyon sa Pilipinas sa pagkakatayo ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) nuong 1902 habang lumalagablab pa ang digmaang Filipino-Amerikano. Ang IFI, na kilala rin sa taguring “Simbahan ng mga Dukha,” ay pinamunuan ni Aglipay bilang unang obispo nito.

Sina Padre Pelaez, Gomburza ang mga panganay samantalang si Rizal, Bonifacio at Aglipay ang mga bunso sa ating kasaysayan. Ang kadakilaan ni Pelaez ay nagningning sa kamatayan nina Gomburza. Ang kabayanihan naman nina Gomburza ang naging tanglaw ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio sa ginawa nitong paghihimagsik at inspirasyon naman para kina Rizal at Aglipay.

Kawing-kawing ang kanilang kadakilaan kaya’t kataka-taka kung bakit si Padre Pelaez, Gomburza, Aglipay at Bonifacio hindi binibigyang halaga tulad ng pagpapahalaga ngayon kay Rizal.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *