Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barako Bull, Meralco may import na

DUMATING na sa bansa ang bagong import ng Barako Bull para sa PBA Commissioner’s Cup na si Joshua Dollard.

Si Dollard ay dating manlalaro ng Auburn University sa US NCAA at siya ang nakuha ng Energy pagkatapos na napilitang umuwi si Dwayne Chism dahil sa sigalot sa kanyang kontrata sa Hungary.

Kagagaling si Dollard mula sa Finland.

Inaasahang darating sa bansa anumang araw ang import ng Meralco na si Brian Butch na dating Impact Player ng NBA D League para sa Bakersfield Jam.

Nag-average si Butch ng 17.7 puntos, 11.9 rebounds at 1.7 assists sa kanyang paglalaro sa NBA D League.

Ang iba pang mga imports sa Commissioner’s Cup na magsisimula sa susunod na linggo ay sina Rob Dozier ng Alaska, Evan Brock ng Globalport, Leon Rodgers ng Barangay Ginebra San Miguel, Terrence Howell ng Talk ‘n Text, James Mays ng San Mig Super Coffee, Alex McLean ng Rain or Shine at Herve Lamizana ng Air21.

Naghahanap pa ng import hanggang ngayon ang San Miguel Beer.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …