MATAGAL DIN NAGHINANG ANG AMING MGA LABI NI INDAY AT PAREHO KAMING NAPAPAHINGAL
Kaya kungdi man ako matangkad, puwede naman akong magpalaki ng katawan. Totoo rin ang sabi niya na may pagkakataon na kaila-ngan kong gawin ang isang bagay na ayaw kong gawin upang magawa ang isang bagay na gusto ko. Gaya nang labag sa kalooban kong pag-pupuyat sa pag-aaral upang maka-graduate sa kolehiyo. Sinunod ko rin ang payo niyang tuklasin at pagyamanin ang anumang talentong nasa akin, dahil lahat daw ng tao ay may kanya-kanyang talento.
Mula sa Binondo ay dumiretso na kami ng uwi ni Inday. Pero hindi siya nagpahatid sa kanilang bahay. Doon kami tumuloy sa inookupahan kong kuwarto.
“Ibig ko lang makarating sa lugar mo,” katwiran niya.
Pinagbigyan ko siya. Pumasok kami sa kwarto na dating pinagsasaluhan namin ni Dondon na amoy “barako.” Inagapan kong maitabi sa CR ang maruruming damit na kung saan-saan lang nakatambak. Paglabas ko ng CR, nakaupo na siya sa kutson ng higaan ko. At matamis ang pagkakangiti niya sa akin.
“Ngalay ang likod ko, pwedeng makihiga?” aniya sabay latag ng katawan sa kutson.
Nataranta ako. Wala kasing pabango ang higaan ko. At naku! Baka amoy panis na laway pa ang maamoy niya.
“’Asan na si Dondon?” usisa niya.
“Umuwi na sa probinsiya namin,” sagot ko.
“Nag-iisa ka na lang pala…” aniya sa pag-huhubad ng suot na sapatos.
Ay! Mamula-mula ang mapuputing sakong niya.
“Tabihan mo ‘ko … Dito tayo magkwentuhan,” kaway niya, tumagilid ng higa paharap sa akin.
Naupo ako sa gilid ng kutson. Pamaya-maya, isinampay ni Inday ang mga kamay sa balikat ko. Kinabig ako. At napahiga ako sa tabi niya. Nagkatapat ang aming mukha.
Nalanghap ko ang kabanguhan niya. Higit na kaaya-aya ang natural na bango ng kanyang hininga.
“Ba’t nanginginig ka? Takot ka ba sa akin?” tawa niya.
“K-kasi… kasi’y baka hindi ako makapagpigil,” nasabi ko sa pagbabalikwas sa higaan.
Hinila niya ang braso ko.
“Bakit ka magpipigil? Gusto mo ‘kong hagkan?”
“K-kasi… k-kasi’y baka hindi mo ako seryo-sohin, e…T-takot akong mapaglaruan mo lang.”
“Eng-eng ka! Ikaw pa’ng me lakas ng loob na mag-dialogue n’yan?” tawa ni Inday sabay pingot sa tenga ko.
Kunwa’y nagdarasal: “Oh, tukso, layuan mo ako!”
“Arte mo!” aniya, ipinulupot ang braso sa leeg ko na parang nangre-wrestling.
Lumapat sa labi ko ang mga labi niya. Matagal-tagal. Nang muling maghinang ang aming mga labi, pareho na kaming napapahingal.
(Itutuloy)
Rey Atalia