Friday , November 15 2024

Parañaque Jueteng tandem nina Jojo at Joy exempted sa Inteligencia Nacional

00 Bulabugin JSY

WALA nga raw kupas ang lakas ng operasyon ng JUETENG ng tandem na JOJO at JOY sa area ng Parañaque.

Konting reminder lang mga suki, si Joy ay ‘yung management ng jueteng operations at si Jojo na isang retarded ‘este’ retired  immigration employee ang isa nang ganap na financier ng TENG-WE.

Mukhang maraming NAISUBI si JOJO noong siya ay nag-eempleyo pa sa Bureau of Immigration!?

By the way, kaya pala naman namamayagpag ang JUETENG TANDEM nina JOJO at JOY ngayong panahon ni Mayor Edwin Olivarez (walang ganito noong pnahon ni Mayor Jun Bernabe) dahil areglado ang ‘PARATING para sa LOKAL.’

Ang siste, LOKAL lang daw ang ‘BASTANTE’ sa operation ng jueteng nina Jojo at Joy.

Sa ‘inteligencia nacional’ e lumalabas na exempted ang jueteng nina JOJO at JOY?

Bakit NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria?!

Paki-explain nga TATA ‘D Bagman’ ROLLY?!

After 28 years …
EDSA PEOPLE POWER MAY NAGBAGO BA?

PEBRERO, bente-sais nang si Apo ay umalis / Ngiti mo’y hanggang tenga sa kakatalon, napunit ang pantalon mo / Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye.

Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton / Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon

Sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali

Pero ngayo’y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA …

Ewan mo ba, bahala na / Bahala na, bahala na.

HINIRAM ko ito sa komposisyon ni Dong Abay ng Yano, isang grupo ng alternative rock band.

Ito siguro ang pinakakapsula ng kalagayan nating mga Pinoy matapos ang 28 taon ng EDSA People Power noong Pebrero 25, 1986.

Pagkatapos ng EDSA People Power noong 1986, marami ang nag-akala na magbabago na ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na naturalmente na dapat ay magkakaroon ng positibong chain reaction sa hanay ng mamamayan at inasahan ng mga maralita na tatagos hanggang sa kanilang katayuan sa buhay.

Pero paglipas lang ng isang taon, ang dating P18 na kilo ng galunggong ay naging P35, P75, hanggang maging P120.

Naging kasing  presyo na ng isang kilo ng baboy.

Ganoon din ang kilo ng bigas at iba pang mga batayang pangangailangan ng mamamayan.

Wala nang tigil ang pagsirit ng mga produktong petrolyo.

Akala natin ay magkakaroon na ng mas malaking oportunidad para sa dekalidad na edukasyon at matitigil na rin ang brain drain sa industriya ng health and allied services.

Lalakas ang industriyalisasyon para makapagbigay ng trabaho sa mamamayan.

Mawawalis ang mga tiwali at matatakaw sa kwartang public servant …

Pero pawang akala lang pala ‘yun.

Dahil sa totoo lang, wala naman nagbago … at sa  totoo lang mas lalong lumaki ang agwat ng mahirap sa mayaman dahil sa tindi ng korupsiyon sa pamahalaan.

I-eksampol natin si P10-B pork barrel scam queen Janel Napoles Lim, ano ba ang kalagayan niya sa buhay noong 1986.

At gaano na kalaki ang agwat ng kalagayan na ito hanggang bago mailantad ang ‘PORK BARREL FAMILY BUSINESS’ nila?

Pero ‘yung mga kababayan natin noon na walang trabaho at naghihikahos sa buhay, kinamatayan na lang yata ang kanilang kalagayan.

Walang nagbago, sa halip ay lalo silang naiwanan sa isang sitwasyon na akala nila’y kanilang kaaahunan.

Presidente na ang anak ni dating Pangulong Cory Aquino na iniluklok ng EDSA pero wala pa rin nagbabago sa kalagayan ng mga mamamayan.

Kumusta na, ayos pa ba? Ang buhay natin, kaya pa ba? E kung hinde, paano na? Ewan mo ba, bahala na? (Dong Abay – YANO)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *