Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

One Bahamas malaki ang panalo

Race-1 : Karamihan ng nakasali ay menos kapag nalalagay sa unang karera, kaya magdagdag o ipagpaliban muna upang makasigurong ligtas. Manalo man ang paborito ay maliit lang ang dibidendo. Kukuha ako base sa mga latest performance, iyan ay sina (9) Richard, (4) Tarlak at (8) Rockhen.

Race-2 : Sa umpisa ng unang Pick-5 event ay magtatangka pa para isang panalo ang kalahok na si (3) Pro Rata, malapit na kalaban ay si (2) Sweet And Spicy. Sa mga dehadista ay nariyan si (4) Blue Material.

Race-3 : Base sa ikli ng distansiya ay solo ako kay (6) Joeymeister.

Race-4 : Sa ganda ng numero at tamang distansiya ay kayang makaisa pa ni (12) Super Charge, puwedeng makapanorpresa kapag kinalabit ay isa kina (10) Country Charm at (8) Kate Ganda.

Race-5 : Mainam na pamilian sina (4) Seni Seviyorum, (7) Gawang Pinoy at (3) Power Factor.

Race-6 : Kapag oras na makita sa parada na iba na ang kulay ng leeg sa katawan ay iuna na sa listahan si (1) One Bahamas at harinawa’y mai-rate lang ng maigi ni jockey Stephen C. Lim ay makakaraos, pero kung maiba ang diskarte ay malamang na isa sa tatlong galing sa panalo ang manalo. Pangsama ko ay sina (3) Sharp Cookie at (2) Pilyo.

Race-7 : Magulong karera ang para sa mga nasa numero uno hanggang nuwebe, kaya kung sino ang mabigyan ng magandang go signal ay maaaring manalo. Pili ko ayon sa pistang pagdarausan ay sina (4) Divisoria, (2) Yes I’m The One at (6) My Wife Knows All.

Race-8 : Sa huling takbuhan ay wala nang ibang lulusot pa kina (9) Dainty Ankles, (12) Airway at ang mabababa na sa grupo na si (5) Lola Carry.

Goodluck. Sa mga ka-text ko ay nasira ang luma kong gamit na unit, kaya pakilagay ang inyong pangalan at lugar sa mensahe. Diyos Mabalos.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …