Friday , November 15 2024

Gilas may pagasa sa ginto — Carrasco

NANINIWALA ang isang opisyal ng task force ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission para sa Asian Games na malakas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makamit ang gintong medalya sa nalalapit na paligsahan na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Incheon, Korea.

Sinabi ni Tom Carrasco na pangulo ng Triathlon Association of the Philippines na sigurado na ang Gilas sa Asian Games dahil sa pagiging runner-up nito sa FIBA Asia Championships noong Agosto 2013 na ginanap dito sa Pilipinas.

Sasabak ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

“I already met with the SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) and they promised to submit at least 20 names, including their naturalized player, who will help our team greatly,” ani Carrasco. “By the next meeting next week, we will know kung sino ang nasa listahan. It’s a complicated process kasi baka yung lineup sa Spain, babaguhin for the Asian Games.”

Magsisimula ang ensayo ng Gilas para sa dalawang nabanggit na torneo sa susunod na Lunes, Marso 3, pagkatapos ng finals ng PBA Philippine Cup at magiging linggu-linggo ang ensayo ng tropa ni coach Chot Reyes.

Pinaikli ng PBA ang iskedyul ng Commissioner’s Cup at Governors’ Cup para maging sapat ang panahon ng ensayo ng Gilas na tatagal ng isang buwan.

Inaayos pa sa Kongreso ang mga papeles para gawing naturalized player ang sentro ng NBA na si Andray Blatche habang malabo na ang tsansa ni JaVale McGee para sa naturalization dahil sa pilay sa kanyang paa.

Huling nanalo ang Pilipinas ng ginto sa men’s basketball sa Asian Games noon pang 1962 at ang pinakamataas na puwesto pagkatapos nito ay ang pagkuha nito ng pilak na medalya noong 1990 sa Beijing.      (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *