Monday , December 23 2024

Cargo ships i-divert sa ibang ports…

NAGMAMATIGAS si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na iatras ang pagpapatupad sa ordinansa sa daytime truck ban sa lungsod.

Nagmamatigas din ang grupo ng iba’t ibang trucking association na sumunod sa truck ban. Ayaw na nilang lumabas – nagdeklara ng truck holidays.

Ang resulta: lumuwag nga ang kalye ng Maynila pati mga karatig lungsod, pero negatibo ang naging epekto sa ekonomiya ng bansa.

Di naman kaya, economic sabotage itong ginagawa nina Erap sa P-Noy government?

Oo, ang laki kasi ng epekto ng daytime truck ban na ito ng Maynila sa import/export industry.

Sabi nga ng taga-Aduana business club, posibleng lumipat sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia ang mga banyagang negosyante na namumuhanan sa Pinas.

Maging si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Greg Domingo ay nababahala sa daytime truck ban na ito.

Wala raw panalo rito. Kailangan daw na pag-usapan itong mabuti para magkaroon ng “win-win” solution.

Hiniling na nga ng truckers associations, negosyante sa importasyon at eksportasyon ang pakikialam ni P-Noy sa usaping ito ng truck ban.

Nauunawaan natin ang layunin ng pagpapatupad ng truck ban sa Maynila. Dahil grabe na talaga ang trapik dito kapag naglabasan ang mga naglalakihang truck. E kasi nga nasa Maynila ang malalaking pier tulad ng North Harbor, South Harbor, Manila International Container Port (MICP) at Harbour Centre. Dito dumadaong ang malalaking cargo ships mula sa iba’t ibang bansa.

Ang suhestiyon ko:

Bakit hindi i-divert o dalhin sa ibang ports na labas sa Maynila ang cargo ships? Malalaki at magaganda rin naman ang pier sa Batangas, Bataan at Subic.

O kaya maglaan ng truck lane sa Maynila mula sa mga pier para hindi makaperwisyo sa mga motorista at commuters.

Kayo, ano ang suhestiyon nyo? Pagtulungan natin na maayos ang problemang ito sa truck ban sa Maynila. Dahil apektado tayong lahat sa problemang ito, bayan!

People’s Power: Pagpatalsik sa mga korap  na presidente ng Pinas

Kakaiba ang naging selebrasyon kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino sa 28th People’s Power anniversary.

Sa halip na sa Edsa gawin ang anibersaryo ng pagpatalsik sa diktador na pangulong si Ferdinand Marcos, sa Cebu ito ipinagdiwang o ginunita ni P-Noy.

Si P-Noy ay anak ng pinaslang na dating Senador na si Ninoy. Na matapos marderin habang pababa sa eroplano sa NAIA mula sa Amerika ay nagkaroon ng malakas na panawagan ang taumbayan para pababain si Marcos sa Malakanyang. Hanggang sa magdeklara ng “snap election”. Naglaban ang biyuda ni Ninoy na si Cory at Marcos. Nandaya raw si Marcos. Nagwala ang taumbayan. Humiwalay sina noo’y Defense Sec. Juan Ponce-Enrile at noo’y AFP Vice Chief Fidel Valdez-Ramos kay Marcos. At nangyari ang kauna-unahang People’s Power sa Edsa. Umalis ang pamilya Marcos sa Malakanyang. Sinundo sila ng helikopter ng Estados Unidos at dinala sa Hawaii. Tapos pinanumpang pangulo si Cory. Nagkaroon ng demokrasya at kalayaan sa pamamahayag. Nang yumao si Cory, ang anak nya naman ang naging instant president, si P-Noy. Nanganganib rin siyang mapatalsik ngayon sa isyu ng DAP at PDAF.

Anyway, balikan natin si Marcos, na hanggang ngayon ay hindi pa raw naililibing ang mga labi nito sa kanyang bayan sa Sarrat, Ilocos Norte.

Oo, pagkatapos ng ilang taon, nakabalik uli sa politika ang pamilya ng sinasabing “most corrupt” president na Marcos. Ang biyudang si Imelda ay congresswoman, ang babaeng anak na si Imee ay gobernadora, ang anak na lalaki na si Bong Bong ay senador at nagpaplano tumakbong presidente sa 2016.

Ganito rin ang nangyari sa pinatalsik at convicted plunderer na si Joseph “Erap” Etrada. Na-People’s Power din sa Edsa. Matapos ma-impeach sa pagkapangulo, makulong ng maraming taon at mahatulan ng “guilty” sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay nailuklok uli sa kapangyarihan. Mayor siya ngayon ng Maynila, ang kanyang dalawang anak – Jinggoy at JV – ay senador, ang isa sa marami niyang misis ay mayor, ang mga pamangkin ay may gobernador at board member.

Ganyan ang mga Pinoy. Madaling makalimot. Tapos reklamo nang reklamo sa korapsyon pero iniluluklok parin ang mga korap. Ewan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *