Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, iginiit na ‘di ginagaya si Kathryn

ni  Roldan Castro

BALAK ng Viva Films na magpasikat ulit ng mga bagets. Apat ang ibini-build-up nila sa pelikulang Diary ng Panget: The Movie.

Una rito ay si Andre Paras. Idol daw niya ang kanyang ama na si Benjie Paras na nagba-basketball at umaarte rin. Nagwo-workshop siya ngayon kay Pen Medina. Zero pa ang lovelife niya.

“I’m single, but not yet ready to mingle,” deklara niya.

Hindi rin siya ilang sa mga bakla. Pumo-pogay din siya. “I have a lot of friends who are gay. I actually have best friends who are gay. I’m not embarrassed to say that. I get a lot of ideas from them. They’re very wel­coming. They’re fun to be with. I have nothing against them,” sambit niya.

Aba’y diyan siya pasok sa banga!

Kasama ni Andre sa Diary ng Panget ang dating PBB Teen grand winner na si James Reid. Aminado siya na malaking hadlang sa pagsikat niya ang hirap niyang pagta-Tagalog. Bench model ang role niya sa movie na arogante kaya kailangan niyang magpalaki pa ng katawan at mag-gym.

Itinanggi niya na may sama siya ng loob sa Star Magic dahil hindi siya nabigyan ng break pagkatapos mag-win.

“Nag-aral kasi ako ng Tagalog .Pero nahirapan ako,” aniya.

Naniniwala siya na sisikat siya ngayon sa kandili ng Viva.

Big break din ito kay Nadine Lustre na napapanood dati sa  Bagets ng TV5. Marami ang nakapansin na kamukha niya si Kathryhn Bernardo Hindi raw niya ginagaya si Kathryn. Kahit baguhin ang looks niya sa make-up, lumalabas pa rin na ka-look-alike niya si Kathryn. Self-proclaimed na pangit siya sa movie kahit napakaganda niya.

Kukompleto sa ‘love square’ ng Diary ng Panget: The Movie si Yassi Pressman na super ikli ang buhok ngayon. Itinanggi niya na minalas ang career nang makipagrelasyon sa kanyang ex na si Sef Cadayona.

Si Andoy Ranay ang director ng pelikula at sure po kami na hindi po ito magiging pagit. Sa April 2 ang target playdate nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …