Monday , December 23 2024

LTFRB-CAR panagutin sa GV Florida incident!

HULI man ang dating ng LTFRB sa hakbanging ginagawa ngayon laban sa GV Floridad lines, well masasabing kahit paano ay okey pa rin. Lamang naroon pa rin iyong ugaling Pinoy na huli na kung kumilos.

Kung hindi pa nangyari ang trahedya sa Bontoc, Mt. Province, marahil hanggang ngayon pabukol nang pabukol pa rin ang bulsa ng ilang taga-LTFRB, este, namamayagpag pa rin ang ilang sinasabing kolorum na bus ng Floridad na biyaheng Bontoc o Mt. Province.

Tutal rin lang naman ay nand’yan na, maraming buhay ang nabuwis, ang dapat ay lubusin na ng LTFRB ang kanilang imbestigasyon. Hindi lamang ang GV Florida ang dapat silipin ng LTFRB sa kapabayaang ito kundi maging ang kanilang tanggapan.

Hindi naman kasi makapamamayagpag ang GV Florida kung seryoso ang LTFRB sa kanilang kampanya laban sa mga kolorum na pampublikong sasakyan. Ang nangyayari kasi, hanggang una o papogi lang ang kanilang kampanya o ‘di kaya saka lamang kikilos kapag may nangyaring trahedya tulad ng nangyari ngayon sa sasakyan ng Florida.

Ano pa man, dapat silipin ng LTFRB ang kapabayaan ng LTFRB Cordillera Autonomous Regional Office. Malaki ang kanilang pananagutan sa insidente…hindi lamang ang pamunuan ng GV Florida ang bigyan leksyon dito.

Bakit LTFRB-CAR? Una, nangyari ang insidente sa nasasakupan nila, pangalawa, sa AOR nila lumilinya ang naaksidente bus ngunit ano ang ginawa nila – hinayaan lamang nilang may tumatakbong kolurum na kanilang AOR.

Napakaimposibleng hindi alam ng LTFRB – CAR na kuwestiyonable ang ilang bus ng Florida na biyaheng Mt. Province. Araw-araw nilang nakikitang may Florida bus na umaakyat sa lugar pero ano ang kanilang hakbangin…negative. Magkano ba? Iyan lang naman ay kung nangyaring lagayan.

Sige ipagpalagay natin na walang lagayan blues, e ano tawag natin ngayon sa negative na hakbangin ng LTFRB – CAR? E ano pa kundi katamaran, katangahan, at iresponsable sila.

Hayun, dahil sa katamaran magtrabaho ng LTFRB nangyari ang trahedya…maraming buhay ang nabuwis, marami rin pansamantalang nawalan ng trabaho – mga driver at konduktor ng naturang bus company.

Kaya sa nangyaring insidente, hindi lang ang pamunuan ng GV Florida ang dapat kasuhan kundi maging ang mga taga LTFRB – lalo na ang mga iresponsableng opisyal na may rektang kinalaman sa linya ng mga bus.

***

Kahanga-hanga ngayon ang Bureau of Customs (BoC), panay ang huli nila ng smuggled goods. Marami-marami na rin silang sinalakay na bodegang pinagtaguan ng mga kontrabando pero, ang lahat ay masasabing nakatatawa. Bakit?

Ibig sabihin kasi nito, may katangahan ang pamunuan ng BoC ngayon dahil hindi nila naharang ang smuggled goods at sa halip ay nakapuslit bago nadiskubre.

Isa lang ang ibig sabihin nito, mahinang klase ang BoC ngayon. Nalulusutan sila ng smugglers…sa tulong ng mga tiwali sa loob ng Aduana.

Ang nangyayari, nakalabas na ang “produkto” bago mahuli. Kumbaga, may nangyaring kalokohan na sa Aduana dahil nga nakalabas ito.

Wala rin pala ang Aduana ngayon, kesyo ang pinakamagaling ang iuupo rito, wala rin palang kuwenta.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *