He who pursues righteousness and love finds life, prosperity, and honor.—Proverbs 21:21
IKA-28 taong anibersaryo ngayon ng EDSA People Power. Parang kailan lang, binalot tayo ng diktadurya ngayon ay tinatamasa natin ang matamis na kalayaan.
Ang tema ng pagdiriwang ng EDSA 28 ay “kapit bisig tungo sa pagbabago”
***
PERO alam n’yo rin ba may 28 key personalities lamang ang maituturing sa kaganapan sa EDSA People Power?
At ikinagagalak natin nakasama riyan si Mayor Alfredo Lim. Si Mayor Lim ang director ng Northern Police Command na inatasan pulbusin ng bala ang mga tao sa EDSA subalit hindi niya ito ginawa.
***
MAY 800 tauhan si Mayor Lim at ilang beses siyang tinawagan ni Marcos na gawin na ang marahas nadispersal subalit hindi niya ito sinunod.
Sa inilabas na supplemental issue ng Inquirer, kinilala ang napakalahagang papel at kabayanihan sa EDSA 1986 ni Mayor Lim.
Narito ang 28 pang personalidad na katangi-tanging pinili kaya nabuo ang EDSA People Power.
***
Fidel Ramos, dating hepe ng PC-INP na kumalas sa administrasyong Marcos dahil sa pandaraya sa Snap Election noong Pebrero 1986; Defense Secretary Juan Ponce Enrile na tumalikod kay Marcos dahil naniniwalang sina Cory Aquino at Salvador Laurel ang siyang tunay na nagwagi sa naganap na snap election.
Si Manila Archibishop Jaime Cardinal Sin na may malaking ginampanang papel sa EDSA People Power nang manawagan sa Radio Veritas na suportahan sina Enrile at Ramos na dahilan ng pagdagsa ng milyong katao sa EDSA. Si Corazon “Cory” Aquino, maybahay ni Senador Ninoy Aquino at naging pambato ng oposisyon laban kay Pangulong Marcos. Ang banyagang pari na si Father James Reuter, Sister Sarah Manapol, Pablo and Gabe Manapol, mga pangunahing nasa likod ng Radyo Bandido, tanging radio station na nagsimulang mag-broadcast ng People Power sa EDSA.
***
GAYUNDIN si Ms. Eugenia Apostol, founding chair ng Philippine Daily Inquirer at publisher ng Mr & Ms Magazine na naglabas ng special edition laban sa Marcoses; Col. Jose Almonte, isa sa mga founder ng Reform the Armed Forces Movement or RAM;
Si Agapito “Butz” Aquino, kapatid ni Senador Ninoy Aquino at siyang founding member ng August Twenty One Movement (ATOM); June Keithley Castro, radio broadcaster na nag-relay sa EDSA ng mensahe ni Jaime Cardinal Sin sa Radio Veritas para sa panawagang People Power; Mga madreng humarang sa tangke ng mga sundalo, kabilang dito sina Sister Maribel Carceler, Digna Dacanay at Edy Talastas ng Sacred Heart of Jesus.
***
MAY mahalagang ginampanan na papel si Ms. Cristina Ponce-Enrile, asawa ni dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile na nagsilbing tulay upang makausap si Mrs. Apostol para ipanawagan sa foreign press ang pag-alis nina Enrile at Ramos sa Marcos government.
Ang bantog na si Lt. Col. Gregorio Honasan, chief security aide ni Enrile at siyang co founder ng RAM; Lt. Col Eduardo “Red” Kapunan ng Phil Air Force na isa sa mga nanguna sa pagkadesmaya sa Marcos government; DatingSenador Salvador “Doy” Laurel na isinakripisyo ang ambisyong maging Presidente at binigyan-daan si Pangulong Cory na maging ka-tandem sa ipinatawag na snap election.
***
ANG Foreign Press na noong unang araw ng pag-aklas nina Enrile at Ramos ng gabi ng Pebrero 22 ay agad nagtungo sa Camp Aguinaldo at nagsilbing human shield upang hindi atakehin ang dalawang opisyal mula sa mga kaalyadong sundalo ng Marcoses.
Ferdinand Marcos, Jr., nag-iisang anak na lalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagsuot ng fatigue uniform at handang makipagbakbakan sa mga rebeldeng sundalo ni Enrile at Ramos.
***
SI Ms. Imee Marcos-Manotoc, ang panganay na anak ng Marcoses na humiling sa kanyang asawa si Tommy Manotoc na kausapin si US Brig. General Red Allen na magamit ang US Helicopter para sa pagtakas ng pamilyang Marcos; dating First Lady Imelda Marcos, na patuloy na nagmamatigas noon na huwag lisanin ang Malacañan Palace. Kumaway pa sa mga loyalistang dumalo sa balkonahe ng Malacañan.
Si General Prospero Olivas, head ng Metropolitan Command or Metrocom na nabigong pigilan ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA sa kabila ng kautusan ni Marcos na i-disperse ang lahat ng naroroon sa EDSA;
***
KUMALAS din si General Antonio Sotelo, dating Air Force Chief at nanguna sa pagtalikod sa gobyernong Marcos nang pangunahan niya ang pagsama sa mga rebelde kasama ang 15th Strike Wing ng PAF; Brigadier General Artemio Tadiar, kabilang sa mga sundalo na matapat kay Marcos na nagtungo sa EDSA ngunit hindi tumalima sa kautusan ni Marcos na bombahin ang mga tao sa EDSA.
At si General Fabian C. Ver ang AFP chief of Staff na nagpupumilit kay Marcos na atakehin na ang EDSA subalit tumanggi ang dating Pangulo.
Salamat kay Mayor Lim, Salamat EDSA!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos