Friday , November 15 2024

Sevilla kinontra ng collector niya

MUKHANG mahilig si Customs Commissioner John Philip Sevilla humanap ng Zone Authority (CEZA) sa Sta. Ana, Cagayan ng away  laban sa mga importer at gayon din sa mga huwes.

Ang tinagurin bright and sharp Coll. Sevilla muling nagpasiklab sa pamamagitan ng pagsasabing mga “car smuggler” ang mga operator sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA)  na inalmahan ng mga operator. Una na rito ang Fenix (CEZA) International na nag-aangkat ng mga kotse, SUVs, at iba pa.

Umaray nang todo-todo ang grupo ng CEZA operator tulad n Fenix Int’l. Ito ay matapos sabihin ng mga taga-Customs sa pangunguna ni Sevilla na kuno ay nasabat ng mga ahente nila ang 38 na used na mga kotse habang ipinupuslit sa CEZA.

Ibig daw paniwalain ang publiko na ang mga nasabing sasakyan (38 cars) ay inilalabas mula sa Port Irene Cagayan sa kabila ng 0rder ni Sevilla na i-suspend ang processing ng mga saksakyan sa nasabing puerto.

Ito ay sakop ng customs.

Ngunit ito ay kinontra naman ni acting district collector ng Port Irene na si Ms. Leilani Alameda na nagsabing walang inilalabas ni isang sasakyan. Sila ay nag-isyu ng tinatawag na warrant of seizure and detention (WSD) at pumayag naman ang Fenix Int’l, “Walang nsabat na mga saksakyan na inilalabas ang Fenix mula sa Port Irene katulad ng pahayag ni Sevilla sa media sa kanyang press conference sa Maynila last week.

May ilang linggo na rin nang akusasahan ni Sevilla ang ilang judge sa Davao City sa kasagsagan ng hearing sa senado ukol sa rice smuggling doon (Davao) dahil daw sa pagbibigay ng huli sa petition ng mga may-ari ng tone-toneladang bigas ng TRO (temporary restraining order) na humantong sa  preliminary injunction.

Ang suspetsa kasi ni Sevilla, kakontsaba ng nasabing mga judge sa Davao iyong may mga shipment ng bigas na ibinaba sa Davao port. Noong bagong maupo ang bagong pamunun sa customs, talamak ang rice smuggling sa Davao port na marahil sa pamumuno ng mga customs official doon.

Ang mga hinahinala ni Sevilla na puslit or smuggled sa Davao port dumating bago sila maupo.

Kasi ang position ng Customs, basta’t duman ang bigas na walang import permit mula sa National Food Authority (NFA) ito ay smuggled kahit pa ayos ang ibinayad na buwis. Ang isyu naman sa import permit mula sa NFA, nilalalaban ng mga rice importer na ipinipilit na ito ay expired na noon pang June 30, 2012 sa pamamagitan ng World Trade Organization (WTO).

Ayaw pumayag ng NFA dahil gusto na sila ang kumorner ng rice importation sa kabila ng payo ng mga dating agriculture official na dapat ibigay sa private sector ang pag-angkat ng bigas.

Ito namang isyu ng mga imported second hand vehicles sa Port Irene, inilinaw ni Collector Alameda na walang confiscation, gaya ng napaulat sa media.

Delikado dito si Alameda, baka upakan siya ni Sevilla sa kanyang pagkontra. Ito naman marahil ang katotohanan.

“Malaking kasinungalingan”ang sigaw ng mga car importer tulad ng Fenix. Mainitin yata ang ulo ni Sevilla. Kung sino man ang nagsubo ng maling information sa kanya, dapat lang paimbestigahan niya. Kung hindi mo gustong masira ang iyong credibility.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *