Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LP members tumataya sa kabila

MUKHANG nagkakanya-kanya nang taya ang mga politiko sa bansa lalo na ang mga kaanib ng Liberal Party (LP) dahil marami sa kanila ang hindi kombisindong kayang manalo ni Mar Roxas sa 2016 presidential polls.

Ito ang ginagawa ngayon ng mga trapo at seguristang politiko na karamihan ay galing din dati sa partido ni Ate Glo na Lakas.

Ngayon kaaga pa lamang ay patuloy na ang pakikipagtagpo ng mga trapo ng LP sa partido ni VP Jojo Binay dahil buo ang paniniwala nila, ang dating alkalde ng Makati ang susunod kay PNoy sa Palasyo.

Marami na rin ang naghahanap ng tulay para makadugtong o mapalapit kay Binay dahil kapag walang sumulpot na bagong mukha bago ang 2015 ay tiyak na ang pag-upo ng Mamang Maliit sa Malakanyang.

Hindi naman mahina mag-analisa ang mga balimbing na politiko sa bansa dahil mayroon silang samahan sa Kongreso na palagian ang pagpupulong.

Ngunit ang hindi nila alam ay bistado na sila ng mga bossing sa LP dahil mayroon itinanim ang grupo ni Mar Roxas sa kanilang hanay.

Sa maikling salita, gulangan ang laro ng mga politiko at iyan ang laro ng politika dahil palagiang nangingibabaw ang pansariling interes kaysa usapin ng kaunlaran ng bansa.

Tiyak na marami pang magaganap na pangyayari sa politika sa bansa at iyan ang kaabang-abang dahil posibleng ang bango ni PNoy ngayon ay maglaho kapag sinabi ng SC na labag sa Konstitusyon ang DAP, na siyang lalong magpapalubog kay Roxas.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …