Friday , November 15 2024

Willie, sandamakmak na mura ang tinanggap noon kay Don Pepot

ni  Ronnie Carrasco III

TINITIYAK ni Joey de Leon na totoong may Don Pepot na pumanaw, pero ito’y isang dentista, and not the veteran comedian na nakasama niya noon sa pelikulang Barbie For President.

Isa kasi sa mga inihatid na kuwento ng Startalk noong Sunday ay tungkol sa batikang komedyante na napabalitang yumao na sa social media over the week. Ang itinuturong nagkalat ng balita ay isa ring kapwa komedyante, si Joji Isla who—in fairness—apologized later.

While watching Startalk’s feature story on (the still alive and kicking) Don Pepot, hindi napigilang magbalik-tanaw si Tito Joey sa shooting break ng kanyang naturang comedy film. A self-confessed sucker for mah-jong, ito ang kanilang pampalipas-oras while waiting for the next take.

On the table were Willie Revillame, Tito Joey’s sidekick in the movie, and Don Pepot. Because the two hardly knew each other kung kaya’t ipinakilala sila sa isa’t isa ni JDL.

“Ah, nga pala, Pareng Willie, ito nga pala si Don Pepot,” Tito Joey told Willie habang naghahalo sila ng mga pitsa. Sagot ni Willie, ”Ah, ikaw pala si Don Pepot. Alam mo, kahit kailan, never akong natawa sa ‘yo.”

Saksi raw si Tito Joey kung paanong namula ang mga tenga ni Don Pepot, na hindi na nakapagtimpi ng galit sabay pasigaw na bumuwelta kay Willie ng, ”Put…ina mo!” Nagtengang-kawali na lang daw si Willie, na kilalang may kakaibang paraan ng pang-aasar but not once has anyone heard him utter foul language.

Tamang-tama namang kukunan na ang susunod na eksena, kaya kinailangan nang i-pack up ang mah-jong. Kaso, may utang si Willie kay Don Pepot ng P100. ”Oy, put…ina mo, bayaran mo ‘ko! Ang yabang mo!”

Still, such cuss words hardly affected Willie. Hindi nga rin daw bumalik kay Don Pepot ang pinakawalang mura nito.

Sumenyas si Willie sa kanyang alalay—bitbit ang noo’y usong-usong leather clutch bag—upang  lumapit sa kanyang kinauupuan. Pag-abot sa kanya ng bag, Willie forked over his cheque book…as in tseke ang ibinayad niya sa kanyang P100 utang kay Don Pepot.

Muli, isa na namang malutong na, ”Put…ina mo, ang yabang mo!” ang umalingawngaw sa paligid.

Ser Chief, responsible family man

VERY few know that underneath the veneer of popularity as an actor, isa ring mapanuring negosyante at mapagmahal na asawa’t ama si Richard Yap whose top priority is his family’s well-being and future. As such, isa sa kanyang mga prioridad ay tumuklas ng mga karagdagang pagkukunan ng ikabubuhay para sa kanyang pamilya. Two of these discoveries are partnering with two friends in setting up a Chinese resto in Quezon City, and venturing into the recording industry with the release of his self-titled solo album.

Of Chinese descent, bagamat naniniwala si Richard sa feng shui ay iba pa rin daw kung ang diskarte ng isang tao ay sinasangkapan ng masusing pagpaplano, sipag, tiyaga, at dedikasyon as all these elements ensure one’s success in life.

“Nothing can replace hard work and having expert advisers to guide us when making important financial decisions,” sabi ni Ser Chief. Hence, Richard trusts Manulife to help him with his major big concerns. Hindi raw sapat sa kanya ang tinatamong tagumpay sa showbiz, as he refuses to leave everything to fate.

Behind the suave persona that he projects on the TV, mananatiling isang responsible family man si Richard, who focuses on his family’s future, of course, with the help of Manulife.

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *