Monday , December 23 2024

Vhong Navarro ‘rapist’ ba talaga?!

00 Bulabugin JSY

INISIP man natin na isa na namang framed-up ang paglitaw ng isang babaeng nagrereklamo na siya umano ay biktima rin ng pagsasamantala at panggagahasa ni Vhong Navarro, e sa pagkakataong ito ay gusto natin sundan ang kasong ito.

Ayon sa biktima, isa raw siyang audience sa isang noontime show nang magkakilala sila ng actor/TV host.

Kinuha umano ni Vhong ang kanyang cellphone number at pagkatapos ay tinext-text na siya.

Ano man ang gustong gawin ni Vhong sa kanyang buhay ay wala tayong pakialam.

Pero kung mayroon pang lulutang na iba pang babae at sasabihing biktima sila ng pagte-take advantage ni Vhong aba ‘e teka muna mukhang hindi na tama ito.

Sa kwento ni Deniece at sa  kwento ng bagong biktima, mukhang conscious si Vhong para gamitin ang kanyang estado bilang artista para magsamantala sa kanyang fans.

Walang makukuhang simpatiya sa atin si Vhong kung mayroon siyang mga ganyang layunin.

Doon sa mga biktima, kung totoo po ang mga pahayag ninyo, panindigan po ninyo ‘yan.

Ang katarungan para sa ibang mga biktima ay nakasalalay sa inyo.

ILLEGAL ALIENS SA BICOL REGION

Dapat nang maghanda ang illegal foreigners sa bansa dahil matapos raw ang Bureau of Immigration (BI) Annual Report ay susunod na ang crackdown sa mga undocumented and improperly documented foreign nationals.

Magandang unahing ipasalakay ni BI Comm. Fred Mison ang Bicol region na laganap na raw ang mga walang dokumentong banyaga lalo na sa mga minahan.

Masyado na raw malaki ang bilang ng mga undocumented aliens dito at walang takot sa mga taga-Immigration. Ipinagmamalaki pa raw na may tongpats sila na isang mataas na opisyal ng BI sa nasabing Region.

Kilala kaya ni BI-INTEL Jerome Gabionza ang mga tongpats ng mga illegal alien sa lugar na ito?

BALAHURA MAGTRABAHO ANG DMCI SA NAIA

FOR the _th time …muli na naman na nag-patikim ng aksidente ang nire-renovate na Ninoy Aquino International Airport [NAIA] International Passenger Terminal 1 nitong nakaraang linggo.

Hindi akalain ng isang departing passenger na si Lorna Delos Reyes, 59-anyos, na sa halip na niyebe ang pumatak sa ulo nya ay ang bumagsak sa kanya ay styrofor mula sa kisame ng T-1 Departure Area na kanyang ikinabigla at muntik ikamatay.

Thank you Lord…

Mabuti na lamang at kasama ni Nanay Lorna ang kanyang kabiyak na si Jose Martinez na kasalukuyang hinihintay ang pagdating ng kanilang eroplanong Korean Airlines na sasakyan pabalik ng New Jersey, USA via Seoul, South Korea.

Sanhi ng pangyayari, tumaas ang blood pressure nito kung kaya’t kaagad na dinala sa MIAA Medical Clinic para tiyakin ang kaligtasan nito.

Sa ginawang pagsusuri ni MIAA Nurse Madeline Boyles, tumaas ang presyon ni Nanay Lorna sa 180/110. Mabuti na lamang at nakaugalian na nitong magdala ng maintenance pills kung kaya’t kaagad na kumalma.

At mabuti na rin na styrofor lang ang tumama sa ulo nya at hindi solid cement block.

Batay sa impormayon na nakalap natin mula sa ilang tao na naroon sa area, isang kamoteng tauhan ng F.R SEVILLA CONSTRUCTION na sub-con ng DMCI ang nagsasagawa ng renovation sa departure area ang ‘di sinasadyang nakatapak sa acoustic ceiling na muntik pa niyang ikahulog kaya nalaglag ang styrofor (ceiling board) sa ulo ni Nanay Lorna.

Sonabagan!!!

Ang laki ng kumpanyang DMCI in terms of building and other structure construction pero pag dating sa safety measures at protection net ay PALPAK!

Aba ‘e kung ganyan na balahura kayo magtrabaho sa airport ay mas mabuting kanselahin ang kontrata sa inyo!

Kaysa naman madagdagan na naman ng bagong titulo ang NAIA  na most unsafe airport terminal!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *