Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, magbabahagi ng halaga ng pagmamahal

Reggee Bonoan

IBABAHAGI ni Julia Montes sa TV viewers ang halaga ng pagmamahal para sa sarili ngayong gabi sa award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym.

Gagampanan ni Julia sa episode na pinamagatang Three in One ang karakter ni Trina, isang probinsiyanang nais makuha ang pagtanggap at pagmamahal ng mga tao sa paligid niya.

Dahil sa kahilingan niyang manamit at maging katulad ng kanyang mga kaklase, pagkakalooban si Trina ng isang mahiwagang bato na magbibigay sa kanya ng kakayahan na gumawa ng panibagong katauhan na ayon sa kanyang kagustuhan.

Matutuhan kaya ni Trina na mahalin at tanggapin ang kanyang sarili kapag nawalan siya ng kontrol sa mga pagkataong nilikha niya?

Tampok din sa Three in One episode sina Malou Crisologo, Robi Domingo, at Eda Nolan mula sa panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 UPLB Gandingan Awards na Wansapanataym mamayang gabi. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …