Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lamang, trailer pa lang may dating na!

ni  Maricris Valdez Nicasio

KAGABI, nasaksihan ang full trailer ng bagong programang handog ng Dreamscape Entertainment TV at ABS-CBN2, ang Ikaw Lamang na tinatampukan nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu.

Tunay namang kamangha-mangha ang istorya at husay ng mga artista na sinuportahan pa nina Cherie Gil, Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Angel Aquino, John Estrada, Tirso Cruz III, at Meryll Soriano.

Hindi nakapagtatakang tagurian itong Master Drama Series ng Kapamilya Network dahil maituturing na once in a lifetime TV event nga naman na mapagsama ang Prinsesa at Hari ng Teleserye, sina Kim at Coco at idagdag pa sina Julia at Jake. Ano pa ang hahanapin mo nga naman?

Ang Ikaw Lamang  ay isang “timeless love story” nina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) at kung paano ito naging timeless love story, iyon ang dapat nating tutukan gabi-gabi.

Maganda ang pagkakalahad ng istorya (bagamat base pa lamang sa trailer) at nakaiintriga kung paano tatakbo pa ang pag-iibigan nina Samuel at Isabelle.

Sa kabilang banda, sinabi ni Kim na ninerbiyos siya sa proyektong ito dahil pawang magagaling ang kasama niya rito. “Siyempre sa lahat ng project doon ka kakabahan, siyempre siguro mayabang na mayabang ka na kung okay lang sa ‘yo. Siyempre kakabahan ka rin kasi ito bagong team-up and lahat ng artista rito may award. Buti na lang nakasungkit ako ng isa kung hindi left out ako, wala akong award,” ani Kim sa isang interbyu sa kanya.

Kasama rin sa cast ang mga magagaling na batang aktor na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Alyanna Angeles, at Louise Abuel. Ang Ikaw Lamang ay idinirehe nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …