Monday , December 23 2024

Andre, ‘di marunong gumamit ng ‘po at opo’ (Tamang pagharap sa may edad dapat ituro…)

Reggee Bonoan

PAGKATAPOS ng pelikulang ABNKKBSNPLAko na kumikita raw say ng Viva executive ay may bago na naman silang proyekto, ang Diary ng Panget na masasabing malaking sugal ito para sa nasabing movie outfit.

Bakit malaking sugal? Kasi pawang mga baguhan ang bida rito tulad nina Andre Paras, Nadine Lustre, James Reid, at Yassi Pressman mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Baguhan in terms of showbiz dahil maski na nakalabas sa ibang pelikula ang ilan sa cast ay hindi naman nagmarka ang kanilang mga pangalan kaya mako-consider pa rin silang neophyte.

Anyway, matagal ng naririnig ang pangalan ni Andre bilang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster bukod pa sa varsity player siya sa eskuwelahang pinapasukan niya.

Pero hindi ito pases para sisikat na rin nang husto si Andre sa showbiz dahil marami pa siyang dapat patunayan lalo na sa pag-arte at tamang pakikisama sa entertainment press.

Base kasi sa obserbasyon namin kay Andre ay mahirap siyang lapitan dahil may pagka-suplado pero sabi nga sa kasabihan, ‘don’t judge the book by it’s cover’.

Kaya sinubukan pa rin naming makapanayam siya ateng Maricris at naging nice ang entertainment press sa mga tanong sa kanya, pero nagulat kami sa binatilyong anak na ito nina Benjie at Jacklyn, hindi pala marunong gumamit ng ‘po at opo.’

Pagkatapos ng Q and A ng Diary ng Panget sa The Library, Metrowalk Pasig City noong Huwebes ng gabi ay nagpa-unlak naman ng interview si Andre at unang tanong nga sa kanya ay open siya sa mga intriga ngayong pinasok na niya finally ang showbiz.

Ang mabilis na sagot ni Andre, “as long as it’s not personal. I know its part of it. But if it’s personal, you know, I have the right naman to say I don’t want to answer it. Of course, we all do want respect also. But maybe other topics, I’m willing to answer it.”

At kung tungkol sa ina ang tanong, “No! no comment!” diretso at mabilis na sagot ng binatilyo na tila gusto ng umalis ng marinig iyon.

Naloka kami dahil sobrang masama ang tanong ng katoto kay Andre para mag-react siya ng ganoon.

Maraming beses na naming nababasang ayaw pag-usapan ni Andre ang kanyang tunay na ina na si Jackie dahil sa naging problema nila noon, pero since plano niyang pasukin ang showbiz, dapat maging handa siya at sana magalang siyang sumagot.

Sabi ng iba, kapag English speaking ka ay bihirang gumamit ng ‘po at opo’ dahil hindi raw nila lengguwahe ito at tumututol kami sa katwirang ito dahil marami rin kaming kilalang Inglesero’t Inglesera, pero marunong silang gumamit ng po at opo ‘no!

Ganito ba ang pamantayan sa mga bata na kapag English speaking ay hindi na marunong gumamit ng ‘po at opo’ eh, mas maganda sigurong huwag ng lumaking Inglesero ang anak namin ateng Maricris?

Payo lang namin ay mas magandang turuan muna si Andre sumagot ng maayos bago iharap sa entertainment press lalo’t mas may edad ang kausap niya.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *