Friday , November 15 2024

1986 EDSA Revolution at ang Diktaturyang Marcos

NGAYON Feb 25,2014, 28 taon na ang matulin na lumipas nang mapatalsik si Marcos noong 1986 People Power. Mag- balik- tanaw tayo sa Proclamation 1081 ng yumaong diktaturyang Marcos noong taong 1972,Setyembre 21. Sunod-sunod din ang pagbobomba sa lahat ng mga  business establishment sa Metro Manila noon.  May mga ilan pa ngang sundalo noon ng pamahalaan ang nahulian ng explosive bomb.

Ang mga aktibista katulad sa ngayon, ay higit na nakatulong sa rehimeng Marcos upang magdeklara at maibaba ang Batas-Militar. Isa na rito ang KM, Kabataang Makabayan na pinamumunuan ni Nilo Tayag,kasabwat at Ka Brod ni Joma Sison na puro daldal at pakuya-kuyakoy ngayon sa Netherland. Duwag naman  ang mokong na ito. At ayaw umuwi sa Pilipnas. Duwag!

Huling eksena bago tuluyan na ideklara ang Martial Law, para i-Justified ni Marcos ay ang pekeng pang-aambush kay PDAF KING Senador Juan Ponce Enrile, na kanyang inamin after the 1986  Edsa Revolution. Maraming Tuta ng rehimeng Marcos noon, na makapagpapatunay sa eksenang drama special ng labindalawang (12) apostoles na namamahala ng Batas Militar na hanggang ngayon ay sila pa rin ang nagtatamasa, silang mga opisyales at tuta naman ang ilan mga anak naman ngayon ng Aquino Regime-2.

Sila na naman ngayon ang mga adviser mga tagabulong ng “to do this at to do that”. Ang susuwerte ng mga buwakang inang  ito. Panahon ni Marcos SILA, panahon ni  Tita Cory SILA ,panahon ni Ramos-SILA at panahon ng Convicted Plunderer Erap Estrada SILA pa rin. Panahon ngayon ng Aquino Regime SILA SILA pa rin. @#$%^&*() yan! Mga salot kayo sa Sambayanang Pilipino.Pwe!

Nagpalit lang ng damit at kolyar ang mga cronies na ito ni Marcos.Subalit sila pa rin ang mga dating tutang ito na ngayo’y mga Damatang Bulldog na, at ang iba’y nangamatay na,at sinusunog na ang kanilang kaluluwa sa impyerno.Na karamiha’y mga ANAK naman nila ngayon ang  mga Evil Politicians, ang mga naghahari sa Pilipnas.Putang Inang yan!

Kaya minsan totoo ang mga sinasabi sa mga libro ng mga dayuhang kasaysayan katulad ng Amerika,Pransya at marami pang ibang bansa. Sinasabi nila na ang makapagpapabago sa isang bansa ay ang giyera sibil. Pero sa Pilipinas ,malabo.Bakit kanyo? Sa loob ng mahigit na 300 taon ,nagtiis tayo sa rehimeng Kastila. Sinundan ng rehimeng Amerikano at sa ngayon,lahat ng klaseng dugong dayuhan ay nandito na. Inutil pa rin at naghihirap ang bayan natin. Sobrang mahaba ang pasensiya ng mga Pilipino. Hanggang kaylian kaya tayo magtitiis bayan? Hanggang kailannn??

EDSA Revolution na naman? Putang inang yan! Mga  burges lang nag totoong nakinabang  diyan. Lalong naghirap ang sambayanang Pilipino. Nagbalikbayan ang mga cronies ni Marcos,may nangyari ba? Anong katarunganang naibigay sa atin? Naibalik ba ang mga nakaw na yaman? Leche! Nangamatay na nga sina General Fabian Ver,Benedicto at ang mga @#$%^&*()! Iba pang kawatan.

Sobrang pindeho pa rin ang gobyerno natin. Sobrang inutil! Bakit? Bulok ang justice system natin. O may nakulong ba sa mga nagbalikbayan, eh halos nga ay nasa administrasyon pa ni P-noy. Yung iba naman eh sila-sila pa rin ang nagpapatakbo ng gobyerno at ng mga negosyong primera sa Pilipinas.Right Mr.Danding Cojuangco? Hindot mo!

Naalaala ko tuloy yung mga Senador, Congressman at lahat ng kaaway noon ni Marcos na nakatunog na ibaba ang Batas Militar. Agad nagtakbuhan papunta lahat sa Amerika at sa ibang bansa, dala ang mga ninakaw na kuarta natin.

Nagbalikan lamang ng kumalma na. Nang mapagtantong may kakosa na sila sa pagnanakaw. Ang tres ladrones, na naging Pangulo ng Filipinas na sina FVR,G”Pandak”-GPA at ang Convicted Plunderer na si Erap Estrada. And the Rest is Phil.Bad History.@#$%^&*()! Yan.

***

Mabuhay ka Michael Christian Martinez.Bayani ka para sa amin.Bilang isang kabataang pinoy skater. Sa kabila na hindi ka nagwagi sa skater competition sa Winter Olympics na ginanap sa  bansang Sochi,Russia.

Subalit nang Iwagayway mo ang iyong white jacket para ipakita sa buong mundo ang pangalan ng PILIPINAS na ang tanging mensahe nito’y youre proud to be a Filipino. Isang batang batang pinoy na representante ng ating bansa sa bansang Russo.

Sa iyo Michael, were very very proud of you. Para sa amin ikaw ang winner. May your tribe multiply.Godbless our poor  country.

***

Ugaliing manood sa royal Cable-TV Program “Kasandigan ng Bayan” araw ng martes at huebes-9 to 12 noon. Mayor Abner Afuang with Royal cable TV 6 Manager & Southern-tagalog Broadcast-Journalist Assn-Inc.President Cris Sanji. Maraming salamat po. Godspeed.

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *