Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yael, nagbanta raw na susugod sa studio (Dahil pika na sa pag-pair kina Karylle at Vice)

ni Alex Brosas

OKAY na sina Vice Ganda at Karylle.   “Actually pinadalhan niya ako ng flowers. Ano naman siya, aminado naman siya. Nagpadala siya ng flowers, nagpadala siya ng sulat, nagte-text siya sa akin. Sabi ko, ‘okay na’ pero ‘wag nating pilitin na (maging sweet uli). Let’s all be civil, ‘wag tayong mamilit ng tao. Nag-sorry siya. Ano ba ang nakalagay sa card? Basta nag-sorry siya.”

That was Vice’s explanation sa thanksgiving party niya for the press. Nang kinulit siya kung bakit sila nagkatampuhan ni Karylle ay bumigay na rin ang comedian.

“Nagsimula itong tampuhan na ito…sobrang minor lang noong nagsimula siya. Parang victory party ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’. Lahat ng taong mahahalaga, malalapit sa akin ay nandodoon, in-invite ko.  Mayroon kaming group chat sa ‘Showtime’. Hinanap siya nina Vhong, nina Anne. ‘Nasan ka na?’

“Tapos sabi niya..‘Invited lahat, ‘di ba nandoon ka noong in-invite tayo?’ sabi ni Anne. ‘halika na ‘wag kang KJ (kill joy)’.

Tapos sabi niya, ‘wala akong driver. Wala kasi akong driver, wala akong ride.’ Tapos sabi nila Vhong, ‘ikaw ang pinakamalapit dito kung gusto mo sunduin ka na lang’. Tapos ‘yung sumunod na dahilan niya ay ‘tinatamad kasi ako’. ‘Yun ‘yung nasa chat.”

Vice was offended dahil, “kung hindi ko mahal itong si K ay hindi ako ako mao-offend at all kasi hindi naman lahat ay nakapunta, eh.”

Pero ito ang higit na naka-offend kay Vice.

“Isang beses nag-absent si Karylle. May sakit daw siya tapos nakita siya ni direk Bobet (Vidanes) somewhere. ‘Anong ginagawa mo tito? May sakit ka ‘di ba? Ini-etchos mo lang pala ako’, sabi ni direk Bobet. Tapos nag-usap sila.  Sinabi ni K kay direk Bobet na umiiwas ako kasi sobrang nao-offend na daw si Yael (Yuzon). Sobrang nao-offend na raw si Yael, parang hindi niya matanggap na sa dinami-rami ng puwedeng i-pair up sa girlfriend niya ay bakit sa bakla pa. Sobra na siyang pissed off na anytime ay sasabog na at susugod daw sa studio. Sabi ni direk Bobet, ‘sige subukan niyang sumugod sa studio.’”

Sabi ni Vice, unang-una ay hindi naman nanggaling sa kanya ang idea na magkaroon sila ng love team ni Karylle dahil baklang-bakla siya at hindi siya heartthrob o teen star.

Oo nga naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …