ni Peter Ledesma
MAJORITY sa istoryang ipinalalabas sa toprating drama program ni Ma’am Charo Santos-Concio na “Maalaala Mo Kaya” ay madrama.
Pero kung pagbabasehan naman ang istorya ng buhay ng tinaguriang “Charity Diva” na si Token Lizares na hindi man dumaan sa delubyong pagsubok sa buhay, ‘e napaka-inspiring ng story ng world-class performer dahil kumakanta siya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa iba’t ibang Foundation na gusto niyang tulungan. Dalawa sa hindi malimutang experience ni Token ay nang tulungan niya ang tatlong bata na may sakit na cancer. ‘Yung isa mabubulag na at ang hiling sa kanya ay regalohan niya ng kahit mumurahing TV lang. Para mapanood ang idol na si Sarah Geronimo at kapag nag-guest sa TV si Token ay kanya rin mapanood. Halos madurog ang puso at maubos ang luha ng mabait na singer nang mabalitaan niyang namayapa na ang batang tinulungan noon sa Bacolod. Isa pa ‘yung babaeng kinaiinggitan ng kalugar na sinabuyan ng gasolina at hinagisan ng kandila. Sunog ang katawan at matindi ang naging damaged sa mukha. Halos bumibigay si Token tuwing nakikita ang babaeng
tinulungan sa surgery. Nagtagumpay naman siya dahil ngayon ay hindi na kinatatakutan ng kanyang mga anak ang nasabing ginang.
Nagmukha kasi talagang monster simula nang masunog nang buhay. Alam n’yo bang namana pala ni Token ang kanya ng pagiging generous sa ina. Bata pa lang siya ay inuutusan na siyang magdala ng gamot at pagkain sa hospital. Aba! Kapag ini-feature ang istorya ni Token sa Maalala Mo Kaya, siguradong bongga ang magiging rating nito. Sino naman kaya ang gusto ng singer na gumanap sa papel niya? Para sa amin bagay sa character niya sina Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez at Chinchin Gutierrez na mahusay na actresss na at the same time magaling rin kumanta. Why not ‘di ba? By the way, abangan ang malaking charity show ni Token titled “My Token of Love” na gaganapin sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan sa March 22 at 7:30 PM. Mga bigating guests ng aming palangga (Token) na pinangungunahn ni German “Kuya Germs” Moreno at Richard Poon kasama rin ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Alex Datu, AJ Tamisa, Le Chazz at Neza Limjap. Ang musical director ng concert ay si Butch Miraflor. Ang proceed nito ay mapupunta naman sa isa sa matagal nang tinutulungan ni Token na Holy Family Home Bacolod Foundation. Mabibili ang tickets sa Ticket World tawag lang sa 891-9999.
Para naman sa kanyang mga tagahanga ay mapapakinggan sa aming programa na “Star Na Star” sa DWIZ(882 KHZ) with my BFFT Pete A and Abe Paulite ang pino-promote ngayon na single ni Token na “Ikaw Lamang Sinta” na composed ng nag-iisang hitmaker na si Vehnee Saturno. Ang nasabing awitin ay mula sa self-titled album na Token Lizares Ikaw Lamang Sinta. Mapapakinggan rin ito sa mga show nina Jobert Sucaldito at Ahwell Pazz na Mismo sa DZMM teleradyo at Ms F sa DWIZ tuwing umaga. May bagong album na ginagawa ngayon si Token kaya abangan ang paglabas nito sa market.
In demand si Palangga gyud!
Sharlene, Francis At Jairus Bibida Ngayong Marso Sa Top-Rating Na “Wansapanataym”
‘Yung episode ng hottest youngest love team na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa “Wansapanataym” na “Enchanted House” ay tinangkilik talaga ng fans ng dalawa at ng iba pang viewers. Umabot pa sa 31.3% ang rating ng finale episode nina Nash at Alexa. Isa lang ang ibig sabihin nito, bukod sa toprating talaga ang orihinal na Story Book ng Batang Pinoy na Wansapanataym ay talagang hit ngayon ang tambalan ng dalawa. Ngayong Marso bibida naman sina Sharlene San Pedro, Francis Magundayao at Jairus Aquino sa episode na ang titulo ay “Si Lulu at Lily Liit.”
You’re My Foreignoy Mania
Sa Eat Bulaga Patuloy
Patuloy ang You’re my Foreignoy mania sa Eat Bulaga. Patunay na lang na nag-click to the max ang segment na ito sa nasabing pantanghaling programa. Yes, originally, one week lang tatakbo sa ere ang contest na ang mga kalahok ay mga banyaga na may Pusong Pinoy. Pero dahil kinaaliwan ng mga Dabarkads sa buong Pilipinas ay itinuloy-tuloy na ng Bulaga. Alam n’yo ang laging goal ng programa makapagpasaya sila ng tao at makatulong sa kapwa. Saka, very original at unique naman talaga ang You’re My Foreignoy kaya dapat saludohan natin ang writer ng EB na nakaisip ng nasabing portion. Mga artistahin talaga ang mga contestant dito araw-araw kaya hindi lang ang mga babae ang humahanga sa kanila kundi ang mga beki rin.
Maririnig talaga ang malalakas na tili kapag lumalabas na sa entablado ang kanilang manok na banyaga. Naibigay na para sa mga deserving ang titulong You’re My Foreignoy Ginoong Luzon, You’re My Foreignoy Ginoong Visayas at You;re My Foreignoy Ginoong Mindanao.
Ngayon, abangan kung sino pa ang susunod na mga magwawagi sa pinag-uusapang segment kahit saan.