Monday , December 23 2024

Opinyon ng DoJ itinago (Sa patakaran ng DA at NFA sa importation)

022114_FRONT

SA patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nabunyag sa pangalawang pagkakataon ang umano’y paglilihim at pagpapatumpik-tumpik ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga rekomendasyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan na ‘di umaayon sa mga polisiya ng dalawang ahensya.

Nitong  Miyerkoles, inamin ng isang miyembro ng NFA Council na hindi sila binigyan ng kopya ng opinyon ng Department of Justice (DoJ) patungkol  sa pinagtatalunang polisiya sa pag-aangkat ng bigas habang itinanggi naman ng NFA Board Secretary na may nalalaman siya sa nasabing dokumento.

“Wala akong nakitang DoJ opinion. Wala. Walang ibinigay sa amin,” pag-amin ni Edwin Paraluman, kinatawan ng sektor ng magsasaka sa Council. “Di ko naaalala ang mga bagay na ‘yan,” pagtatanggi naman ni NFA Board Secretary Ofelia Cortez-Reyes.

Ang nasabing opinyon ng DoJ na may petsang Disyembre 16, 2013 ay may lagda ni Justice Sec. Leila de Lima at ipinadala umano kay DA Sec. Proceso Alcala na siya rin Chairman ng NFA Council.

Sa nasabing opinyon, nagbabala si De Lima sa maaaring resulta sa patuloy na pagsuway ng DA at NFA sa kasunduang pinasukan ng bansa sa World Trade Organization (WTO).  Tinutukoy ng kalihim ang patuloy na pagpapatupad ng mga ahensyang nabanggit ng “quantitative restrictions” o paglilimita sa importasyon ng bigas sa kabila ng pagtatapos ng nasabing “special treatment” noon pang June 2012.

Iginiit ni De Lima na hindi maaaring suwayin ng isang ahensya gaya ng NFA ang isang internasyonal na kasunduang sinang-ayunan kapwa ng Pangulo at ng Senado.

Maaalalang nagpatumpik-tumpik rin ang mga nasabing ahensya sa liham ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan noong Setyembre 10, 2013 na nagbabala ng krisis sa bigas sa pagtatapos ng taon dahil sa kakulangan sa produksyon nang halos 1.4 milyong metriko tonelada.

Kasama sa mga rekomendasyon ni Balisacan ang muling pagsusuri sa mga patakaran ng bansa patungkol sa pag-aangkat na umano’y sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas at balakid sa pagkakaroon ng “food security.”

Kompara umano sa Vietnam, taunang tumataas ang ginagastos ng mamimiling Filipino sa pagbili ng bigas: “Higit ng 56 porsyento noong 2011, 92 porsyento noong 2012, at 115 porsyento noong 2013,” pahayag ni Balisacan.

Nitong Pebrero 14, pumalo na sa mahigit P40 kada kilo ang tinging presyo o retail price ng bigas sa mga pamilihan, pinakamataas sa kasaysayan ng bansa ayon sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS)

Ayon din sa datos ng nasabing tanggapan, simula nang ipatupad ang QR sa bansa noong 1995 ay hindi nito napigilan ang taunang pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkaing butil.

P16.32 kada kilo ang tinging presyo noong 1995 at patuloy na tumaas taon-taon hanggang pumalo ng P40.06 nitong Pebrero, ayon sa BAS.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *