KILALA bilang “The Aerial Voyager”, sa dami ng galaw at talas ng mata sa pagpasa ng bola ang hinangaan sa dating Philippine Basketball Association (PBA) star Vergel Meneses.
Maraming magagandang alaala ang inukit sa PBA ng 6-foot-3 shooting forward na si Meneses kaya naman naging idolo rin siya ng mga kabataan.
Matapos ang mahabang 16 na taon, pormal nang nagretiro ang 1-time PBA MVP at 4-time All-Star Game MVP Meneses.
“To be honest, it’s one of the most memorable moments in my basketball career,” wika ng pambato ng Bambang, Bulacan na si Meneses, “To see all these people, especially long-time friends and supporters, gathered to celebrate with me on this retirement ceremony is truly memorable,”.
Si Meneses na dating star player ng Jose Rizal College (ngayon ay JRU) ay kasama sa PBA’s 25 Greatest Player at miyembro ng 5,000 points at 9,000 points clubs at 2,000 assists.
Ayon kay Meneses na tatlong beses nakatikim ng kampeonato, malaki ang naitulong sa kanyang paglalaro si coach Norman Black.
Pinuri rin ni former San Miguel Beer coach Ron Jacobs si Meneses na “most talented player ever to play in the PBA habang sinabi naman ni Black na isa siya sa mga best one-on-one player sa nasabing liga.
Kagaya ni PBA basketball superstar Samboy Lim, mahirap basahin ang mga galaw ni Meneses ayon pa kay Black.
Taong 1995 nang makuha ni Meneses ang MVP award napanalunan din nito ang scoring at assists.
Nag average ng 19.6 points at 6.6 assists per game sa 37 games noong 1996 season ang high flyer na si Meneses. (ARABELA PRINCESS DAWA)