Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bongits, Bigote, Sexy at Pogi tumanggap ng P370-M DAP

LUMALAWAK ang nadadawit sa P10-B pork barrel fund scam.

At consistent na sa mga pekeng “foundations” ni Janet Lim Napoles dumaloy ang mga pork barrel na nakukuha ng mga mambabatas partikular senador.

Consistent din ang pangalan ng ilang senador sa pork scam. Walang kupas ika nga…

Sa pinakabagong expose, nabanggit sa scam ang pangalang alyas Bongits at Bigote na kasama nina Sexy at Pogi na tumanggap ng kabuuang P370 milyones mula sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na nakuha nila nung panahon ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona na anila’y (mga senador) sinungaling at tiwaling Punong Mahistrado.

Ayon sa ulat, si Bongits ay si Bongbong Marcos, habang ang Bigote ay si Tito Sotto. Ang Sexy ay si Jinggoy Estrada at ang Pogi ay si Bong Revilla.

Sina Marcos, Estrada at Revilla ay tumanggap umano ng tig-P100 milyones, habang si Sotto ay P70 milyon para sa kabuuang P370 MILYON! Bukod pa ito sa natatanggap nilang regular na P200 milyones pork barrel kada taon.

Andaming pera pala talaga ng Aquino administration. Bumabaha ng daang milyones. Pero sila-sila lang ang nakakahawak nito. Ang Yolanda victims, NGANGA!

Ang pangalang Jinggoy at Revilla ay consistent sa bawat may bagong pumutok sa pork scam. Laging nandun ang kanilang pangalan. Kaya siguro andami-dami nilang pera. Kaya nakatira sila sa daang milyones na halaga ng mansion sa mga ekslusibong subdivision na puno ng security guards at mamahaling mga sasakyan.

Ang puhunan lang naman nila dito ay ang bolahin ang mahihirap tuwing eleksyon! Mga artista kasi sila, na ang laging pinagbibidahan ay tagapagtanggol ng mahihirap at kaaway ng mga korap!

Nagoyo tayo!!!

Ano naman kaya ang mangyayari sa pagkakabunyag sa katiwalian ng mga senadores na ito? Makulong kaya sila habambuhay? Dapat! Dapat nga bitay pa sila e!!!

Dahil kung si Juan dela Cruz ay nandukot, nang-snatch o nangholdap ng P500 o relo na made in China worth P150 ay nakukulong ng mahabang panahon sa mabahong city jail o bilibid, dapat silang mga opisyal ng pamahalaan na daang milyones ang ninanakaw sa kaban ng bayan, paxpayers money, ay dapat lethal injection o firing squad!

Sa ibang bansa, kapag ang opisyales ng pamahalaan ay nadadawit sa scam, kaagad nagre-resign, isinosoli ang ninakaw na pera. Sa Japan nga nagpapakamatay pa!

Pero dito sa atin sa Pinas, buking na lahat lahat ay kapit-tuko pa sa puwesto at siya pa ang may ganang magalit at mambatikos!  Its really more fun in the Pilipins!!!

Pukaw namo!

Wanted rapist: Donato Yap

Pumunta sa aking tanggapan si Dalia Delarmente-Balagot, tubong Butuan City at namamasukang kasambahay sa Caloocan City.

Dala-dala ni Balagot ang isang arrest warrant, na inisyu ni Judge Dionisio C. Sison ng RTC Branch 125, Caloocan City noong August 5, 2013, laban kay Donato Yap ng #76 D. Aquino St., 5th Avenue, Caloocan City.

Si Yap ay kinasuhan ng rape, no bail,  ni Balagot.

Hangad ni Balagot na mabigyan ng hustisya ang panggagahasa sa kanya ni Donato Yap na nagtatago ngayon. Sinuman ang nakakaalam sa kanyang pinagtataguan ay mangyaring ipagbigay-alam sa mga pulis.

Mga tulak sa Bustillos, Legarda, Sampaloc, Manila

– Mr. Venancio, paki-parating sa mga otoridad laluna kay Mayor Erap ang talamak na bentahan ng shabu dito sa Bustillos, Legarda, Sampaloc, Manila. Madalas po kami nagte-text sa mga police station, pero sabi nila ay sa PDEA daw kami magsabi. Hindi ba puwede na aksiyunan nila? At sana kumilos din ang DSWD kasi ang mga bata rito sa Bustillos nagkalat, ang mga magulang adik na at mga pusher pa. Ang pinaka-dealer dito ng shabu ay yung Michelle na nakatira sa Ana Lodge. Mga tao niya sina Moises, Kikay, Richard, Ace, Boboy, Toper, Bryan at Fabian. Grabe, pati mga asawa nila tulak din. Saba nakatawag pansin ito sa kapulisan. Pakiusap po, huwag nyo ilagay ang numero ko. Delikado. Salamat. – Concerned citizen

Paging MPD-PS4, sakop nyo yata ang erya na nabanggit. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …