Monday , December 23 2024

Social networking sites, online freedom of expression inutil sa Pinas

00 Bulabugin JSY

ONLI in da Pilipins lang talaga!

Mantakin ninyo i-UPHOLD ng Supreme Court ang online libel?!

Constitutional daw ang online provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Binigyang-diin ni SC spokesperson, Atty. Theodore Tae ‘este’  Te, sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.

‘E spokesperson and ex–human rights lawyer Theodore Te, baka nalilimutan ninyo na ang FREEDOM OF EXPRESSION ay basic rights ng isang tao.

Nasa Bill of Rights po ‘yan ‘di ba?

Mula sa elementary (Grade V), itinuro at ipinakabesa sa atin ng mga Social Studies teacher natin ‘yan. “The Bill of Rights Article III Section 4: NO LAW SHALL BE PASSED ABRIDGING THE FREEDOM OF EXPRESSION.”

E ikaw nga Atty. Te, nagpakadalubhasa sa batas, maraming aklat tungkol sa batas ang nabasa, nakalimutan mo pa ang saligang karapatan ng isang tao?!

Sige, sabihin natin, spokesperson ka lang, pero hindi ka naman nakilala ng sambayanan sa ganyang prinsipyo.

Hindi ba’t isa ka sa magagaling na human rights lawyer noong araw?!

Por delicadeza naman sana, hindi mo na binasa ‘yan o kaya kung talagang naninindigan ka pa basic human rights, sana e nag-resign ka na lang antimano.

Anyway, sabi nga sa kanta ni Bob Dylan “The Times They Are A-Changin.”

Talagang walang tigil sa pagbabago ang panahon. Ang hangin ngayon ay hindi pareho ng hangin noong araw…

Ang matigas na paninindigan noon ay hindi natin masasabing ganoon pa rin ngayon.

‘Di ba, Atty. Te.

Anyway, congratulations kay Sen. Tito Sotto, panalo ka! Hindi ba’t ikaw ang promotor ng batas na ‘yan?

Ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Cybercrime Law ay ponente ni Associate Justice Roberto Abad.

Sa sambayanang Facebookers, iba pang social networking sites, mga bloggers etc., meron nang online libel, kung ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo sa asunto, piliin ang mga ipo-post ninyo.

Only POSITIVE not NEGATIVE … huwag ninyong tuligsain ang patuloy na pagsama ng ekonomiya natin, kundi purihin natin lagi ang pagtitipid ng pamahalaang ito. Ayaw nilang lustayin  ang pera ng gobyerno kaya panay lang ‘savings’ ang ginagawa ng administrasyong Aquino. Iwas ‘plunder case’ pagkatapos ng kanilang termino.

Hik hik hik …

Malulugi ang Facebook dahil sa online libel sa Philippine my Philippines … ayaw ni Mark Zuckerberg nang ganyan!

ABUSADONG PULIS MASAMA ‘este’ MASA NI ERAP
(PAKIBASA LANG NCRPO Director C/Supt. CARMELO VALMORIA)

Imbes maging tagapagpatupad  ng peace & order at sundin ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan na “to serve and protect” ay kabaligtaran ang ginagawa isang tulis ‘este’ pulis ng Manila Action & Support Assignment (MASA) na pinamumunuan ni Major BERNABE IRINCO.

Isang PO2 RENE LAGRIMAS na nagyayabang na tao raw sya ni Yorme Erap sa MASA at sa sobrang senglot kasama ang 5 kamote ‘este’ tauhan nya ay inireklamo na nanduro, nanggulo at nambugbog ng limang kalalakihan sa Cowboy Grill Ermita nakaraang linggo.

Nagsimula ang katarantaduhan ng tropa ni PO2 LAGRIMAS nang biglang sipain ng kasama niya ang inuupuang silya ng kanilang biktima, pinagmumura at pinagsusuntok sa likuran.

Napagkamalan pa raw ni PO utot ‘este PO2 LAGRIMAS na pulis rin ang biktima at tinanong pa, “Pulis ka ba? Hindi mo ba kami kilala? Sa City Hall MASA kami ni Mayor Erap, panahon na namin ngayon, kung pulis ka ipatatapon pa kita!”

Sumagot naman ang biktima at sinabing “hindi po ako pulis” at lumayo na lamang pero minura ulit siya ni PO2 Lagrimas ng “Gago pala ito e,” sabay suntok sa likod at batok ng biktima. Kahit bumagsak na sa sahig ay tuloy pa rin ang pananakit sa kanya.

Inabangan pa nina PO2 Lagrimas ang biktima sa labas ng bar at parang si Rambo na nagsisigaw na: “Papatayin ko kayo rito,” habang hawak ang baril n’ya sa kanyang bag.

Sonabagan!!!

Mabuti na lang at isang kasama ng biktima ang nakatakbo sa MPD PS-5 at tumawag rin sa 117 na agad naman nagresponde sa area saka lamang nahimasmasan si PO2 Lagrimas at kumaripas ng takbo paalis sa Cowboy Grill.

Pakengsyet kayo!!!

YORME ERAP, ito ba ang klase ng mga pulis mo sa City Hall!?

Nasaan na ‘yun pangako mo sa Manileño na walang mang-aabusong pulis sa lungsod ng Maynila!?

Ano ba itong nasagap kong impormasyon na kaya raw ganyan kaangas si PO2 Lagrimas ‘e dahil paborito siyang kolektor (kolektor ng ano?) ni MASA Chief Major Irinco!?

Major Irinco, alam mo ba na sa administrasyon ni Mayor Lim, walang pulis ng City Hall ang umaabuso gaya ni PO2 Lagrimas?!

Konsintidor ka ba Sir!?

DENIAL KINGS SA SENADO BAKIT HINDI KASUHAN ANG MGA GIRL FRIDAY NILA?

GUSTO natin ‘yang hamon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa tatlong DENIAL KINGS sa Senado na sina Senate Minority Leader Juan ‘Tanda’ Ponce-Enrile, Sen. Bong ‘Pogi’ Revilla at Sen. Denggoy este Jinggoy ‘Sexy’ Estrada.

Totoo naman ang hamon ni Sen. Alan. Kung totoong wala silang kinalaman at tanging mga chief of staff nila ang nagmaniobra n’yan ‘e bakit hindi nila KASUHAN!?

Like Ms. Gigi Reyes? Bakit hindi siya sampahan ng asunto ni Senator JPE? Ang kanyang deputy chief of staff na si Jose Evangelista?

SONABAGAN!

Kung talagang wala silang ALAM d’yan sa pork barrel scam, dapat noon pa ipinakulong na nila ‘yang mga staff nila na ayon sa kanila ay ‘tinutsubibo’ lang sila?!

Huwag nang mag-DENY!

Tumahimik na lang kayo … you’re adding insult to injury!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *