Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamo vs ‘illegal’ UV Express terminal sa Munoz

MADALAS daw ang gulo ngayon diyan sa may area ng Munoz sa tapat ng Walter Mart kung saan lagingnagkakagirian ang mga tsuper ng bus at UV Express vans na biyaheng Novaliches.

Ayon sa ilang nagrereklamo, madalas daw na nagsisimula ng gulo ang kampo ng mga UV Express driver dahil kung hindi babatuhin, sinisira nila ang ilang bahagi ng bus na umano’y NANG AAGAW sa kanilang mga mananakay.

Well, ganyan na ba talaga ang mga Pinoy ngayon? Ugaling mga aso. Kapag naagawan ng buto kinakagat kahit sino. Nakakahiya naman kung totoo ito. Puwede bang pakisilip ang isyung iyan, MR. FRANCIS TOLENTINO na CHAIRMAN NG MMDA? Eh pano naman ang TRAFFIC officers ng Quezon City ni Bistek na nakatungaga lang kung magkanong tara ang darating sa kanila?

Balita po natin ay lumalala na ang trapiko sa lugar na ‘yan at NABABABOY na ang area dahil maraming kalat. Matagal din akong nanirahan sa Project 8 noong araw at sa tingin ko nga mas kaaya-aya noon ang tanawin sa Munoz. Hindi gaya ngayon, masakit na sa mata, masakit pa sa tenga sa ingay.

Anyway, mga sir na nakatunganga, pakicheck nga ang report na ILLEGAL daw ang terminal ng mga van diyan. At ito ay totoo, alamin ninyo kung sino ang kumikita sa ganyang kalakaran.

Imposibleng wala!

RUBY TUASON IKULONG DIN!

Kakaiba talaga ditto sa bansa natin. Kapag criminal ka, ilaglag mo lang ang mga kakutsaba mo at ikaw ay tatanghalin nang BAYANI. Ina niyo! Bayani, PWE!

Gaya nitong socialite na negosyanteng si Ruby Tuason na umaming isa sa mga nagmaniobra ng PORK BARREL SCAM na talaga naming milyones ang kinita sa kabila ng katotohanang mailyones na Pinoy din ang namamatay sa gutom dahil sa kagahamanan nila.

Naging state witness na si Tuason at kasama na niya ngayong BIDA sina Benhur Luy at iba pang dating sangkot sa SCAM.

Aba! Eh dapat silang lahat ay parusahan. Hindi man kasimbigat ng parusa sa mga utak nila, dapat silang hindi na muling tularan ninoman.

Hindi ba’t sila rin naman ay Malaki din ang role na ginampanan sa PANDARAMBONG na ginawa umano nina TANDA ENRILE, SEXY JINGGOY AT POGI REVILLA?

Ngayon bang gipit na sila tatakbo sila sa gobyerno at PUPUTAK laban sa mga sangkot para mailigtas ang sarili?

Paano na kung pati sina Enrile, Estrada at Revilla ay mag STATE WITNESS na rin?

NALOKO NA!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …