Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakawan tuwing premiere night sa SM Megamall, dumadalas

NAKATATAKOT namang manood ng sine sa SM Megamall dahil dalawang magkasunod na premiere night na may nangyaring nakawan sa guests ng mga artistang kasama sa pelikula.

Sa premiere night ng Starting Over Again dalawang linggo na ang nakararaan ay nawala ang wallet ng talent manager at empleado ng ABS-CBN na si Freddie Bautista na naroon lahat ang atm’s, credit cards, ID’s, at pera.

Nitong Martes (Pebrero 18) ay ginanap naman ang premiere night ng ABNKKBSNPLAko? at mga kaibigan naman ng aktres na si Andi Eigenmann ang nawalan din ng cellphone at wallet na ipinost pa ng aktres sa kanyang Twitter account.

Duda namin ay isa sa ticketholders ang mandurukot dahil nakakalapit o nakakapasok siya sa mismong sinehan at kung wala siyang ticket ay nasa labas lang siya at hindi niya malalapitan ang mga bisita ng mga artista.

Good thing hindi kami sa SM Megamall nanood ng premiere night ng ABNKKBSNPLAko dahil mas pinili namin ang Gateway Cinema para mas malapit sa amin at feeling safe kami since madalas kaming manood ng sine roon.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …